Mahalaga ang Pamilya Muna Sample
FINANCE O PANANALAPI
Ang Biblia ay nagpapahayag tungkol sa ating pananalapi kung kaya mayroong 2,350 bersikulo na tumutukoy tungkol sa pera. Marahil dahil alam ng Diyos kung gaano ka-importante ang pera sa tao. May sinabi na kung mayroon tayong problema sa pera, ang problema natin ay hindi tungkol sa pera kung hindi espiritwal. Ano ang mga prinsipyo ng Biblia tungkol sa pera?
Una, kailangan nating kilalanin na ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan (FI 4.19). Sa tuwing kailangan natin ng pera, panalangin ang kasagutan dahil ang Diyos ay maglalaan sa tuwina.
Pangalawa, mahalaga ang pagbibigay. Sa DEUT 14:23, isang layunin ng ikapu ay para turuan ang mga anak ng Diyos na unahin ang Diyos sa kanilang mga buhay.
Pangatlo, itinataguyod ng Biblia ang pagiipon (PRO 21.20). Ginagamit ng aklat ng Kawikaan ang langgam upang ilarawan sa atin ang halaga ng pag-iimpok sa panahon ng tag-ulan.
Pang-apat, umiwas sa pagkakautang. Sinasabi sa PRO 22.7 na sa sandaling mangutang ang isang tao, nababawasan ang bahagi ng kanyang kalayaan dahil siya ay nagiging alipin ng nagpapahiram.
Pang-lima, matutunang maging kontento. Sinasabi sa HEB 13.5 na huwag kayong mag mukhang pera at masiyahan na kayo sa kung ano ang nasa inyo.
Pang-anim, matutong mag budget (PRO 23.23) Kung gusto nating maging mga mabuting katiwala ng pera ng Diyos, matutong magtala na tila meron kang plano. Maging matapat sa sarili. At kapag natuto kang mag budget, hindi ka magkakaroon ng problema sa pera.
Sa huli, humingi ng gabay ng Diyos (AW 1.1). Bago gumawa ng anumang desisyong pinansyal, humingi ng payo. Habang natututo sa panghabambuhay na prinsipyo sa pananalapi, malalaman niya ang kagalagakan at biyaya na nagmumula sa pagtitiwala at pagsunod sa Dios.

About this Plan
Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.
More