Bibliya Para Sa Mga BataSample
Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Si Noe At Ang Malaking Baha
Isinulat ni Edward Duncan Hughes
Si Noe ay isang taong sumasamba sa Diyos. Ang lahat ay galit at suwail sa Diyos. Isang araw, nagsabi ang Diyos ng isang bagay na nakakasindak.
“Sisirain ko ang mga masasama sa mundo,” sinabi Niya ito kay Noe. “Ang iyong pamilya lamang ang maliligtas.”
Sinabi ng Diyos kay Noe na magkakaroon ng malaking baha na babalot sa mundo.
“Gumawa ka ng malaking barko na yari sa kahoy, kung saan kasya ang iyong pamilya at ang mga maraming hayop.” Nagbigay ang Diyos ng mismong sukat, kaya’t kumilos kaagad si Noe!
Marahil kinutya si Noe ng mga tao habang siya ay nagpaliwanag kung bakit siya gumagawa ng barko. Ngunit siya ay nagpatuloy at sinabi sa mga tao ang tungkol sa Diyos. Walang nakinig sa kanya.
Malaki ang tiwala ni Noe sa Diyos. Naniwala siya sa Diyos kahit na hindi pa naulan ng kahit kailan. Nang natapos na ang barko, handa na itong lagyan ng mga pangangailangan.
At dumating na ang mga hayop. Dinala ng Diyos ang pitong pares sa bawat uri ng hayop, at dalawang pares sa ibang uri.
Mga malalaki at maliliit na ibon at hayop ay pumasok na sa barko.
Marahil kinutya ulit si Noe ng mga tao habang pinapasok niya ang mga hayop sa barko. Hindi sila huminto ng kanilang masasamang gawain. Hindi sila nagtanong kung maari kayang makapasok sa barko.
Ngayon, lahat ng mga hayop at mga ibon ay nasa barko na. “Pumasok nakayo sa barko,” inanyayahan ng Diyos si Noe. “Kayo at ang iyong sambahayan.”
Si Noe, ang kanyang asawa, ang tatlong anak na lalaki at ang kanilang mga asawa ay nagsipasok na sa barko. At sinara ng Diyos ang pintuan!
Dumating na ang ulan. Apatnapung araw na bumuhos ang malakas na ulan.
Bumaha sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nang huminto ang ulan, ang mga kabundukan ay inapawan ng baha. Ang lahat ng may hininga ay namatay.
Lumalim ang baha hanggang sa lumutang ang barko. Marahil sa loob ng barko ay madilim, matagtag, at nakakatakot. Ngunit ang barko ang silong ni Noe.
Nang matapos ang limang buwan ng pagbaha, nagpadala ang Diyos ng tuyong hangin. Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat. Ngunit nanatili si Noe sa loob ng 40 araw habang ang baha ay unti-unting humulaw.
Pinalabas ni Noe ang isang uwak at isang kalapati sa bukas na bintana ng barko. Hindi nakakita ng tuyong lupa ang kalapati kaya’t ito ay bumalik sa barko.
Nang dumaan ang isang linggo, pinalabas muli ni Noe ang kalapati. Bumalik ang kalapati na may dalang dahon ng olibo sa kanyang tuka. At sa sumunod na linggo, alam na ni Noe na ang lupa ay tuyo na sapagkat umalis ang kalapati at hindi na bumalik.
Sinabi ng Diyos na panahon na upang ang lahat ay lumabas ng barko. Kaya’t ang lahat, si Noe at ang kanyang pamilya at ang mga hayop, ay lumabas na sa barko.
Malaki ang pasasalamat ni Noe. Gumawa siya ng altar at nagsamba sa Diyos na nagligtas sa kanya at kanyang pamilya sa malaking baha.
Ang Diyos ay nagbigay ng magandang pangako kay Noe. Hindi na muling babaha sa mundo upang parusahan ang makasalanan. Ang bahaghari ang tanda ng pangako ng Diyos.
Si Noe at kanyang pamilya ay nakahanap muli ng bagong pamumuhay pagkatapos ng malaking baha.
Sa takdang panahon, ang mga anak ni Noe at kanyang mga apo ay dumami at maraming tao muli sa mundo. Ang lahat ng lahi sa mundo ay galing kay Noe at sa kanyang mga anak.
Ang Wakas
About this Plan
Paano nagsimula ang lahat ng ito? Saan tayo nanggaling? Bakit may napakaraming paghihirap sa mundo? Mayroon bang pag-asa? Mayroon bang buhay pagkatapos ng kamatayan? Hanapin ang mga sagot habang binabasa mo ang tunay na kasaysayan ng mundo.
More