YouVersion Logo
Search Icon

Bibliya Para Sa Mga BataSample

Bibliya Para Sa Mga Bata

DAY 1 OF 7

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Nang Ginawa Ng Panginoong Diyos Ang Lahat

Isinulat ni Edward Duncan Hughes




Sino ang lumikha sa atin? Ang Biblia, ang Salita ng Diyos, ay nagsasabi kung paano Niya nilikha ang tauhan sa mundo. Noong unang panahon, ginawa ng Diyos ang pinakaunang tao at siya’y pinangalanang Adan.

Nilikha si Adan mula sa alabok. Nang hiningan sa ilong, siya ay nagkabuhay. Nakita niya ang sarili sa gitnan ng magandang hardin ng Eden.




Ngunit bago nilikha ng Diyos si Adan, nilikha muna Niya ang napakagandang mundo na puno ng kamangha-manghang mga bagay.

Ginawa ng Diyos ang mga burol at patag, mga mababangong bulaklak at matataas na puno, makukulay na ibon at mauugong na bubuyog, malalaking balyena at madudulas ng suso. Sa katunayan, nilikha ng Diyos ang lahat. Ang lahat.




Nang pasimula, bago nilikha ang lahat, wala ang mundo at anuman, maliban sa Diyos. Walang tao, walang lugar, walang bagay. Wala lahat. Walang ilaw, walang dilim, walang taas, walang baba. Walang kahapon at walang bukas. Ang Diyos lamang ang naroon, na Siyang walang hangganan. Kaya't ang Diyos ay kumilos.




Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.




At ang mundo ay walang hugis at walang laman. At ang kadiliman ay bumabalot sa kalaliman.

Nagsalita ang Diyos, “Magkaroon ng liwanag.”




Nagkaroon nga ng liwanag. Tinawag ng Diyos ang liwanag na araw, at ang dilim ay gabi. Ang gabi at ang umaga ang unang araw.




Sa ikalawang araw, dinala ng Diyos ang tubig sa karagatan at kalawaan upang magkaroon ng kaayusan sa ilalim ng kalangitan. Nang ikatlong araw, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng tuyong lupain.” At iyon ay nangyari.




Nag-utos din ang Diyos na magkaroon ng damo, bulaklak, halaman at mga puno. At iyon ay nangyari. At ang gabi at ang umaga ay ang ikatlong araw.




Nilikha din ng Diyos ang araw, ang buwan, at ang napakaraming mga bituin na walang sino mang makabibilang. At ang gabi at ang umaga ang ikaapat na araw.




Nang ikalimang araw, nilikha ng Diyos ang iba't ibang uri ng isda at iba pang mga nabubuhay sa dagat upang punuin ang mga tubigan. Nilikha din Niya ang iba't ibang uri ng ibon upang manirahan saan mang dako ng mundo. At ang gabi at ang umaga ang ikalimang araw.




Pagkatapos, nagsalita muli ang Diyos. “Ngayon, magkaroon ng iba't ibang uri ng hayop...” Nagkaroon ng lahat ng uri ng hayop at insekto. Nagkaroon ng malalaking elepante, makukulit na unggoy, malilikot na buwaya, makikislot na bulati, at maaamong pusa. At ang gabi at ang umaga ang ikaanim araw.




Isa pang bagay ang linikha ng Diyos sa ikaanim na araw - isang tanging bagay. Ang lahat ay handa na para sa lilikhaing tao. May mga kakainin sa bukid, mga hayop upang magsilbi sa kanya. At sinabi ng Diyos, “Likhain natin ang tao ayon sa Ating larawan. Siya ang mamahala sa lahat ng linikha sa mundo.”

Sa GANON NILIKHA NG DIYOS ANG TAO AYON SA KANYANG LARAWAN. SA KANYANG WANGIS, ANG TAO AY NILIKHA.




Kinausap ng Diyos si Adan. “Kumain ka ng iyong nagustuhang kainin na galing sa hardin. Ngunit huwag mong kainin ang bunga ng puno na nagbibigay ng kakayahang malaman ang tama at mali. Kapag ito ay iyong kinain, ikaw ay mamamatay.”




At sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang lalake ay nagiisa. Gagawa ako ng kanyang kaatulong.” Dinala ng Diyos ang lahat ng mga ibon at mga hayop kay Adan. Binigyan ni Adan ng pangalan ang bawa’t isa. Talagang matalino siya ng ginawa niya ito. Ngunit sa lahat ng mga ibon at mga hayop, walang isa na kabagay ni Adan upang makasama.




Pinatulog ng Diyos si Adan ng mahimbing. Habang siya ay tulog, kinuha ang kanyang isang tadyang at ito'y ginawang babae. Ang babae na ginawa ng Diyos ay angkop na maging kasama ni Adan.




Ginawa ng Diyos ang lahat sa loob ng anim na araw. At binasbasan ng Diyos ang ikapitong araw at ginawa itong araw ng pahinga.




Ang Wakas

Day 2

About this Plan

Bibliya Para Sa Mga Bata

Paano nagsimula ang lahat ng ito? Saan tayo nanggaling? Bakit may napakaraming paghihirap sa mundo? Mayroon bang pag-asa? Mayroon bang buhay pagkatapos ng kamatayan? Hanapin ang mga sagot habang binabasa mo ang tunay na kasaysayan ng mundo.

More