YouVersion Logo
Search Icon

Bibliya Para Sa Mga BataSample

Bibliya Para Sa Mga Bata

DAY 2 OF 7

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Pasimula ng Kalungkutan ng Tao

Isinulat ni Edward Duncan Hughes




Nilikha ng DIYOS ANG LAHAT! Nang ginawa ng Diyos ang pinakaunang tao, si Adan, nanirahan siya sa hardin ng Eden kasama ang kanyang asawa na si Eva. Masaya silang dalawa, masunurin sa utos ng Diyos, at masagana sa piling ng Diyos hanggang isang araw...




“Hindi ba sinabi ng Diyos na huwag kayong kumain sa bunga ng bawat kahoy?” Tinanong si Eva ng ahas. “Maari kaming kumain sa mga bunga ng lahat ng kahoy maliban sa isa,” ang sagot ni Eva. Kung kami ay kumain o humipo ng bunga ng kahoy na iyan, kami ay mamamatay.” “Hindi kayo mamamatay,” ang linlang ng ahas.

“Magiging kagaya ninyo ang Diyos.” Gustong gusto ni Eva ang bunga ng kahoy na iyon, kaya’t pinakinggan niya ang ahas at kinain ang bunga.




Pagkatapos na sinuway ni Eva ang Diyos, pinakain din niya si Adan ng bunga. Sana sinabi ni Adan, “Huwag! Ayaw kong suwayin ang sinabi ng Diyos.”




Nang sina Adan at Eva ay nagkasala, nalaman nila na sila ay hubad. Nagtahi sila ng mga dahon para matakpan ang kanilang mga katawan, at nagtago sa halaman upang hindi makita ng Diyos.




Nang palubog na ang araw, dumating ang Diyos sa hardin. Alam Niya kung ano ang ginawa ni Adan at Eva. Sinisi ni Adan si Eva. Sinisi ni Eva ang ahas. Kaya’t sinabi ng Diyos, “Ang ahas ay isusumpa. At ang babae ay makakaranas ng matinding hirap sa panganganak.”

“Adan, dahil ikaw ay nagkasala, isusumpa ko ang lupang tinatamnan ninyo. Sa pawis mo magmumula ang inyong kakanin sa bawat araw.”




Pinalabas ng Diyos sina Eva at Adan sa napakagandang hardin. Dahil sa sila’y nagkasala, sila ay nahiwalay sa Diyos na nagbibigay ng buhay!




Gumawa ang Diyos ng sulo na dumidinggas upang hindi sila makapasok. Ginawaan sila ng Diyos ng damit na galing sa balat ng hayop. Saan kaya kinuha ng Diyos ang mga balat ng hayop?




Hindi nagtagal, nagkaanak na sila Adan at Eva. Ang panganay, si Kain, ay naging magsasaka. Ang pangalawang anak, si Abel, ay tagapangalaga ng mga tupa.

Isang araw, nagdala si Kain ng mga gulay bilang handog niya sa Diyos. Si Abel ay nagdala ng pinakamalusog na tupa bilang kanyang handog sa Diyos. Nasiyahan ang Panginoon sa handog ni Abel.




Hindi nasiyahan ang Panginoon sa handog ni Kain. Nagalit si Kain. Ngunit sinabi ng Diyos, “Kung tama ang iyong ginagawa, hindi ka ba tatanggapin?”




Ang galit ni Kain ay hindi naalis. Isang araw, habang sila ni Abel ay nasa bukid, sinaktan ni Kain si Abel na kanyang kapatid at pinatay!




Kinausap ng Diyos si Kain. “Nasaan ang iyong kapatid, si Abel?” “Hindi ko po alam,” ang sagot ni Kain na sinungaling. “Ako ba ay tagapangalaga sa kanya?” Pinarusahan ng Diyos si Kain, magbungkal man siya ng lupa at magtanim, wala siyang aanihin, at si Kain ay hindi magkakaroon ng palagiang tirahan.




Umalis si Kain at namuhay malayo sa Diyos. Siya ay nagasawa ng anak na babae nila Adan at Eva. Nagkaroon sila ng mga anak.

Hindi nagtagal, si Kain ay nagkaroon ng mga apo at mga apo ng mga apo at dumami ang mga tao sa lungsod na kanyang tinirahan.




Samantala, ang mga anak ni Adan at Eva ay sandaling lumaki. Noong mga panahong iyon, ang mga tao ay may mahabang buhay kaysa ngayon.




Nang ipinanganak si Seth, sinabi ni Eva, “Ibinigay siya ng Diyos sa akin upang kapalit ni Abel.” Mahal ni Seth ang Diyos at binigyan siya ng mahabang buhay, 912 (siyam na daan taon at labingdalawa) at maraming mga anak.




Sa mundo, ang mga tao ay lalong naging lubos na makasalanan sa bawat henerasyon na lumipas. Kaya’t ang Diyos ay nagpasiya na Kanyang sisirain ang sangkatauhan lahat ng mga hayop at mga ibon. Kinalulungkot ng Diyos na nilikha Niya ang tao. Ngunit isang lalaki ay kalugud-lugod sa Diyos…




Ang lalaking ito ay si Noe. Siya ay galing sa angkan ni Seth, at si Noe ay mabait, matuwid, magaling at walang kasalanan.

Tinuruan ni Noe ang kanyang tatlong anak na lalaki ng ukol sa pagsunod sa Panginoon. Kaya’t may balak ang Diyos na gamitin si Noe sa pambihirang paraan.




Ang Wakas

Day 1Day 3

About this Plan

Bibliya Para Sa Mga Bata

Paano nagsimula ang lahat ng ito? Saan tayo nanggaling? Bakit may napakaraming paghihirap sa mundo? Mayroon bang pag-asa? Mayroon bang buhay pagkatapos ng kamatayan? Hanapin ang mga sagot habang binabasa mo ang tunay na kasaysayan ng mundo.

More