Revival Is Now! (PH)Sample
Dadalhin ng revival ang iyong pananampalataya sa mga kalsada
Ang mga personal na encounter o karanasan kay Jesus ay nakapagbibigay ng radikal na pagbabago sa direksyon at pokus sa buhay ng tao sa napakaraming henerasyon. Pakaisipin mo si Apostol San Pablo sa Biblia. Ang dami niyang pinatay na Cristiano, ngunit matapos niyang maranasan si Jesus, ginamit siyang instrumento ni Jesus upang ipahayag ang Mabuting Balita sa buong Imperyo ng Romano at siya rin ang ginamit ng Panginoon upang sumulat ng karamihan ng mga libro sa Bagong Tipan. Ang mga encounter kay Jesus ay nagbigay ng ispirasyon sa iba upang tumayo laban sa hindi pagkakapantay-pantay, nagbigay ng bagong pagkahilig sa mga grupo ng mga tao, at nagsiklab ng pandaigdigang kilusan at radikal na binago ang mga lokal na komunidad. Ang pagmamahal kay Jesus ay nagdadala sa isang tao mula sa isang buhay na nakatuon sa sarili patungo sa buhay na nakatuon sa paglilingkod at mabuhay para sa iba. Hindi mo maaaring sabihin na muling nabuhay ang iyong puso subalit nabubuhay ka lamang para sa iyong sarili.
Binabago ng revival ang iyong sarili at ang paraan ng iyong pamumuhay. Hindi lamang tuwing Linggo ka nagiging Cristiano; hinahangad mo ring isabuhay ang pagiging Cristiano araw-araw, at hindi limitado ang iyong pananampalataya kay Cristo sa gusali ng simbahan bagkus dumadaloy ito sa iyong pamilya, sa lugar ng iyong trabaho, at sa iyong komunidad.
Pinahihintulutan ng revival ang pag-ibig ng Diyos upang himukin ka, kumbinsihin ka, at baguhin ka.
Habang ikaw ay hinihimok at kumbinsido sa pag-ibig ng Jesus, maluwag sa iyong kalooban na mabago ang paraan ng iyong pag-isiip at pagkilos. Nagsisimula kang mapusok na maghangad ng kaparehong karanasan para sa kanilang mga sarili. Kapag ikaw ay hinimok, kinumbinsi, at binago ng pag-ibig, wala kang ibang magagawa kung hindi ang maging tapat sa pagtingin sa lahat, kahit saan upang makita nila si Jesus at maranasan ang Kanyang biyaya.
Scripture
About this Plan
Isa sa mga pinaka-exciting na salita sa Christian vocabulary ay ang salitang "REVIVAL." Hindi mo kailangang tumingin sa malayo para makita at marining ang libu-libong Kristiyano na pinag-uusapan ang revival. Samahan mo kami for a 7-day journey para malaman kung paano mo ilulugar ang sarili mo na makita ang revival sa buhay mo.
More