YouVersion Logo
Search Icon

Revival Is Now! (PH)Sample

Revival Is Now! (PH)

DAY 5 OF 7

Ituturo ka ng Revival sa tao at kapangyarihan ng Espiritu Santo 

Hindi ka nilalang upang mamuhay mag-isa. Dinisenyo ka para sa pamayanan. Mahalaga ang mga kaibigan sa iyong buhay, ngunit mas mahalaga ang Espiritu Santo. Siya ang susi sa iyong paglalakbay sa pananampalataya. Binigyang-inspirasyon ng Espritu Santo ang kasulatan sa Biblia. Siya ang muling bumubuhay sa iyong puso, Siya ang nagpapabanal sa iyo, Siya ang nagpupuno sa iyo ng Kanyang presensya at tinutulungan ka Niya na intindihin ang Biblia. Dadgdag pa rito, binibigyang-lakas ka Niya upang gawin kung anong pinapagawa sa iyo ng Diyos.

Sa Biblia, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na bago nila malibot ang mundo para ipahayag ang Mabuting Balita, dapat muna nilang tanggapin ang Espiritu Santo. Kung wala ang Espiritu Santo, wala kang awtoridad na mamuhay sa misyon. Pinupukaw ng revival ang mga maka-Diyos na hangarin sa iyong kalooban at bibigyan ka nito ng pambihirang katapangan, ngunit kung wala sa iyo ang Espiritu Santo ay wala kang kapangyarihan. ItInuturo ka ng revival sa tao at kapangyarihan ng Espiritu Santo. Pinapaalalahanan ka nito na hindi mo kaya nang mag-isa ang paglalakbay sa pananampalataya, at kailangan mo ang Espiritu Santo araw-araw.

Nababatid mo ba ang Espiritu Santo sa iyong pang-araw-araw na buhay? Kumikilos ka ba alinsunod sa awtoridad na ibinigay Niya sa iyo? Siya ay dakila at marunong umunawa sa mga sitwasyon, nagbibigay sa iyo ng mga salita ng karunungan o pampalakas ng loob para sa mga tao at nagbibigay-daan sa iyo upang mabuhay nang may buong pananampalataya!

Day 4Day 6

About this Plan

Revival Is Now! (PH)

Isa sa mga pinaka-exciting na salita sa Christian vocabulary ay ang salitang "REVIVAL." Hindi mo kailangang tumingin sa malayo para makita at marining ang libu-libong Kristiyano na pinag-uusapan ang revival. Samahan mo kami for a 7-day journey para malaman kung paano mo ilulugar ang sarili mo na makita ang revival sa buhay mo.

More