YouVersion Logo
Search Icon

Revival Is Now! (PH)Sample

Revival Is Now! (PH)

DAY 2 OF 7

Ang Mga Kinakailangan para sa Revival

Nasa puso at hangarin ng bawat Cristiano ang magkaroon ng personal na revival, isang hangarin na muling maging malapit sa Diyos at madama ang presensiya ng Espiritu Santo. Ngunit, mayroong aspeto sa ating pagkatao ang nagnanais gawin ang mga makamundong bagay at ang mga bagay na magbibigay-pugay sa Panginoon. Paano nga ba natin makakamit ang tunay na revival o pagbabalik-loob? 

Kagaya ng binanggit kahapon, ang Diyos mismo ang nagdadala ng revival, hindi tayo, pero dinadaan Niya ito sa atin. Binubuhay Niyang muli ang ating mga puso! Ito'y isang paalala na ang REVIVAL ay gawa ng Diyos. 

Upang mangyari ang revival sa iyong buhay, kailangan ang dalawang bagay na ito: isang nagsisising puso at isang nananabik na espiritu.

Narito ang 10 pamamaraan na maaaring gumabay sa iyo sa iyong paghahangad sa Diyos at sa Kanyang Salita: 

1. Muling tumuklas ng panibagong pananalig at pagtitiwala sa Espiritu Santo

2. Ibahagi sa iba ang ating mga maka-Diyos na karanasan at inaasahan

3. Huwag hayaan ang pagiging pamilyar o haba ng panahon ang humadlang sa pagkakaroon ng panibagong panahon sa Diyos

4. Ipaalala sa iyong sarili ang mga dininig na panalangin & mga milagrosong kaloob na natanggap sa nakaraan

5. Muling magtatag ng mga mabubuting kagawian at mga maka-Diyos na kaisipan

6. Muling unahin ang mga espiritwal na disiplina

7. Muling pagsiklabin ang mga maka-Diyos na hangarin

8. Panumbalikin ang kagalakan ng Kanyang kaligtasan

9. Muling italaga ang sarili sa isang buhay na sagana sa kabutihang-loob

10. Muling itakda ang puso para sa mga nawala 

Bakit hindi mo isulat ang mga ito at sikaping maging tapat sa paggawa ng mga ito hanggang sa susunod na linggo? Hindi natin masasabi kung ano ang kayang gawin ng Diyos sa iyo at sa pamamagitan mo sa paglapit mo sa kanya nang may pusong nagsisisi, nananabik na epiritu, at pagnanais na maging instrumento para sa pagbabalik-loob! 

*Ang 10 puntong ito ay nagmula kay Nathanael Wood at Hillsong Church

Day 1Day 3

About this Plan

Revival Is Now! (PH)

Isa sa mga pinaka-exciting na salita sa Christian vocabulary ay ang salitang "REVIVAL." Hindi mo kailangang tumingin sa malayo para makita at marining ang libu-libong Kristiyano na pinag-uusapan ang revival. Samahan mo kami for a 7-day journey para malaman kung paano mo ilulugar ang sarili mo na makita ang revival sa buhay mo.

More