YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

Revival Is Now! (PH)Sample

Revival Is Now! (PH)

DAY 4 OF 7

Bibigyan ka ng Revival ng pambihirang katapangan 

Wala nang mas hihigit pang makapangyarihan kaysa sa pusong nagbalik-loob. Ang isang pusong muling binuhay ay hindi lamang pinukaw ng Diyos ng mga maka-Diyos na hangarin, ngunit pinuno rin ng pambihirang katapangan. Hindi ng pisikal na katapangan, ngunit ng espirituwal na katapangan. Katapangan upang magpahayag ng puno-ng-Espiritung pananalig, lakas ng loob at pagmamadali. 

Napag-isipan mo na ba kung anong pakiramdam magkaroon ng buhay na walang takot? Paano ka mangangarap? Ano ang iyong gagawin? Saan ka pupunta? Binibigyan ka ng revival ng panibagong katapangan upang harapin ang takot at tawanan ito. Pinalalakas ka nito at binibigyan ng pananampalatayang maniwala sa mas malaki at mas mgagandang bagay. Dahil dito, lumiliit ang mga higanteng takot sa iyong buhay, at nagmukhang maliliit na alikabok ang mga masusukil na bundok na kailangan mong akyatin. Binibigyan ka ng revival ng pambihirang katapangan upang maniwala na mabilis na gagaling ang mga sirang buto, masira ang mga espirituwal na muog at mangyari ang mga himala. 

Hindi kailangan ng ating mundo ng bagong depinisyon ng Cristianismo; ang kailangan nito ay bagong deklarasyon ng Cristianismo. Ang isang deklaration mula sa isang henersyon ng revival ay namumuhay kasabay ng matapang na pananampalatya dahil kilala nila ang kanilang mga sarili kay Cristo. Isang henerasyong puno ng pag-asa para sa hinaharap na may misyong ipahayag ang mabuting balita ni Jesus. Maaari kang maging bahagi ng henerasyon na iyon; kaya mong maging mapangahas, matapag, at matagumpay dahil nasa sa iyo ang Diyos at muli niyang binuhay ang iyong puso!

Day 3Day 5

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy