YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

Revival Is Now! (PH)Sample

Revival Is Now! (PH)

DAY 3 OF 7

Pinupukaw ng Revival ang mga maka-Diyos na Hangarin sa Iyong Kalooban

Pagbabago. May mga taong gusto ng pagbabago, ang iba naman ay hindi. Ang Revival o pagbabalik-loob ay nagdudulot ng radikal na pagbabago, ngunit ito ay pagbabago na iyong magugustuhan. Gumagalaw ang Diyos sa buhay ng maraming Cristiano kasabay nang kanilang pagkilala kung sino si Jesus. 

Ganito inilarawan ni John Piper ang revival: "an increase in earnest desires for more of Christ and His Word, boldness in witness, purity of life, lots of conversions, joyful worship, renewed commitment to missions. You feel God has moved here." 

Kapag kumilos ang Diyos at nagdala ng revival sa iyong buhay, nagigising ang mga maka-Diyos na hangarin sa iyong kalooban. 

Bigla ay mahahanap mo ang iyong sarili na abala na sa paggawa ng mga bagay ng Diyos. Imbis na nahuhumaling ka sa crush mo sa kolehiyo, mas naiisip mo ngayon ang kaligtasan ng iyong mga kaklase. Yung mga gabi ni nakatutok ka lang sa Instagram, ngayon ay nakatutok ka na sa Biblia. Pinakikinang ng revival ang ang mga pangunahing pundasyon ng iyong pananampalataya. Nagiging hilig mo na ang pagdarasal, nagiging pangangailangan mo na ang pagsamba, at ang pagbabasa ng Bibilia ay nagiging isang bagay na hindi na maaaring ipagpaliban.

Nsasabik ka ba na kumilos ang Diyos sa iyong buhay? Handa ka na bang magising ang mga maka-Diyos na hangarin sa iyong kalooban? Bakit hindi ka tumgil sandali upang manalangin at hilingin sa DIyos na pukawin ang iyong puso sa isang makabago at sariwang pamamaraan.

Day 2Day 4

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy