Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

God Is for YouHalimbawa

God Is for You

ARAW 7 NG 7

May katulad ka ba sa puso ni Lord?

May isang sikat na awit sa Christian music na malamang ay narinig mo at posibleng naisamba mo na: There is None Like You ni Lenny LeBlanc. Narito ang mga linya:

There is none like You / No one else can touch my heart like You do / I could search for all eternity long, and find / There is none like You.

Totoo ngang walang katulad si Lord sa heart natin. Pero alam mo bang ganoon din ang tingin Niya sa iyo?

Tingnan natin ang nakasulat sa Bible na nagpapakita ng iniisip Niya towards sa Kanyang minamahal:

Ngunit ang tangi kong mahal ay iisa lamang, kalapati ang katulad ng taglay niyang kagandahan. Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal, kaya siya'y mahal nito nang higit sa kaninuman. “Tunay na siya ay mapalad,” mga dalaga'y nagsasabi mga reyna't kalaguyo sa kanya ay pumupuri. (Ang Awit ni Solomon 6:9 MBB05)

Hindi biro na sabihing ikaw ay nilikha ng Diyos na natatangi at walang katulad! Walang makakapalit sa’yo sa Kanyang puso, mahal na mahal ka Niya.

Ano ang kinalaman nito sa kantang There is None Like You? Oo, talagang walang ibang makakatulad sa buong mundo, sa lahat ng panahon, sa ating maganda at maluwalhating Tagapagligtas. Talaga ngang walang sinuman ang makakaabot sa ating puso tulad ng kay Jesus

Pero dahil Siya ang unang nagmahal sa atin (1 Juan 4:19), ito ang challenge namin sa iyo. Pakinggan mong umaawit Siya ng mga salitang ito sa iyo ngayon: “There is none like you / No one else can touch my heart like you do / I could search for all eternity long / and find there is none like you.”

Isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

God Is for You

7-day Reading Plan Patungkol sa God Is for You

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day