Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

God Is for YouHalimbawa

God Is for You

ARAW 1 NG 7

Paano kung walang taong nasa panig mo

Kahit gaano karami ang magagandang pamilya o mga kaibigan na mayroon ka, darating at darating ang pagkakataon na mararamdaman mong parang wala ni isa sa kanila ang nasa panig mo. Baka ito ay dahil sa isang desisyon na hindi popular, o kaya naman dahil sa iyong mga personal na pagkukulang.

Anuman ang dahilan, hindi masaya ang ganung sitwasyon. Kapag pakiramdam natin na walang nagtatanggol sa atin, madalas na tayo mismo ang nagdepensa o minsan nakikipagtalo sa pinakamaliit na provocation. Kapag pakiramdam natin na walang nagmamalasakit sa ating kapakanan, madalas natin kunin ang mga bagay sa ating sariling mga kamay at pilitin na makuha ang gusto natin.

Hindi ito ang buhay na nais ng ating Amang nasa langit para sa atin! Nais Niya na magpahinga tayo, na alam natin na mayroong Nasa panig natin—at ang "Someone" na iyon ay ang Hari ng buong uniberso! Tingnan natin ang nakasulat sa Bible:

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay. (Roma 8:31-32 ASND)

Paano natin matitiyak na Siya ay nasa panig natin, lalo na kapag parang binigo natin Siya ng malaki?

Alam mo ba? Ang krus ay eksaktong dinisenyo para bayaran ang ating mga pagkakamali. Ang mga pagkakamali mo ay nagsasabi lang ng isang bagay: kailangan mo ng Tagapagligtas! At si Jesus ay masaya na maging Tagapagligtas mo!

Nasa panig mo Siya, dahil minahal Ka Niya ng sapat para bumaba, maging tao at mamatay sa iyong lugar. Dahil sa cross, ikaw ay ganap na pinatawad, kaya’t tinanggap ng Ama!

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God Is for You

7-day Reading Plan Patungkol sa God Is for You

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day