God Is for YouHalimbawa
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ano kaya ang feeling Niya sa pagpapala sa iyo?
Siguro alam mong pagpapalain tayo ng Diyos kahit anuman ang mangyari dahil hindi ito nakabase sa ating mga gawa kundi sa perpektong pagsunod ni Jesus sa krus. Pero, may mga pagkakataon ba na pakiramdam mo na baka niloko lang Siya at napilitan Siyang pagpalain ka dahil pinili mong tanggapin si Jesus? Na baka binibigyan ka Niya ng pagpapala, sure, pero hindi naman Siya ganun kasaya tungkol dito?
Alam mo ba ang sinasabi ng Biblia?
Kagalakan ko ang gawan sila ng mabuti at buong puso ko silang patitirahin sa lupaing ito. (Jeremias 32:41 ASND)
Nakikita mo ba? Ang Diyos ay nagagalak sa paggawa ng mabuti sa Kanyang mga tao! Aba, magandang balita 'yan, hindi ba? Hindi lang tayo pagpapalain ng Diyos dahil sa finished work ni Jesus, kundi masaya pa Siya sa paggawa nito! Iyon mismo ang dahilan kung bakit ginawa Niya ang lahat ng ginawa Niya sa krus: dahil ang nais ng Kanyang puso ay makita kang nagtatamasa ng masaganang buhay na itinakda Niya para sa iyo mula pa sa simula!
Naalala mo ba ang Samaritana sa balon? (Tingnan ang John 4.) Kailangan daw ni Jesus na dumaan sa Samaria, at doon nakatagpo Siya ng isang babaeng may hindi kaaya-ayang buhay: limang asawa na, tapos ngayon ay nakatira siya kasama ang ikaanim na lalaki, na hindi pa rin niya asawa. Bagamat tinukoy na si Jesus ay pagod mula sa paglalakbay, pinaglingkuran Niya itong babae, at nang bumalik ang mga alagad Niya, refreshed na si Jesus.
Bakit nga ba masaya si Jesus sa pagliligtas, pagtulong, at paglilingkod sa atin? Hindi naman Siya magkakaroon ng anumang pakinabang sa paggawa ng mabuti para sa atin. Ganoon tayo kamahal ng Diyos!
Magpahinga ka, ang Diyos ay walang hihigit na kagalakan kundi ang magtrabaho para sa iyong kapakanan. Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
7-day Reading Plan Patungkol sa God Is for You
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day