Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

God Is for YouHalimbawa

God Is for You

ARAW 2 NG 7

Ano ang pinaka-expensive na item na nabili mo?

Ano ang pinakamataas na halaga na nabayaran mo para sa isang bagay? Ano ang bagay na iyon? Gadget ba? Sasakyan? Negosyo? Isang matagal nang pinangarap na bakasyon?

Ang halaga ng perang ginagastos para ay kadalasang nagbibigay sa atin ng ideya kung gaano kahalaga sa atin ang isang bagay. Halimbawa, ang isang tao na mahilig sa mga sasakyan ay karaniwang gumagastos ng mas maraming pera sa sasakyan, habang ang isang tao naman na mahilig sa alahas ay natural na magbabayad ng higit para sa alahas. Sa madaling salita, ang halaga ng isang bagay ay makikita batay sa kung gaano kalaki ang handa mong isakripisyo para dito.

Ano ang ibig sabihin nito tungkol sa ating Diyos? Nang binili ka ng Diyos pabalik sa Kanyang pamilya, ano ang ibinigay Niya? Basahin ito aloud:

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios. (1 Pedro 1:18-19 ASND)

Hindi mga bagay na nasisira tulad ng pilak o ginto; hindi kahit mga mamahaling hiyas o buong kahon ng mga yaman; kundi ang Yaman ng mga panahon: ang mahalagang dugo ng Kanyang kaisa-isahang Anak.

Nakikita mo ba ang halaga mo? Ikaw ay mas mahalaga pa kaysa sa ruby sa Kanya! At alam mo ba na ang ruby ay isang napakapambihirang hiyas sa mundo, mas bihira pa kaysa sa mga diamante? At ang iyong halaga ay higit pa sa ruby!

Hindi ipinagkait ng Diyos ang Kanyang sariling Anak, kundi ibinigay Siya para sa iyo! Lasapin mo ang Kanyang pagmamahal.

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

God Is for You

7-day Reading Plan Patungkol sa God Is for You

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day