Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Buhay sa Bagong TaonHalimbawa

Bagong Buhay sa Bagong Taon

ARAW 4 NG 5

Ikaapat na araw: This is the Day!

Alam mo ba ang awitin ni Phil Wickham na may pamagat na, This is the Day? Narito ang chorus na siyang focus natin sa araw na ito:

This is the day when the lost are found.
This is the day for a new beginning.
Amazing grace, how sweet the sound.
Oh, can you hear all the angels are singing?
This is the day, the day when life begins.

“Kwinentuhan [ni Jesus ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan.] ‘Kung kayo ay may 100 tupa at nawala ang isa, ano ang gagawin ninyo? Hindi ba’t iiwan ninyo ang 99 sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa makita ninyo? At kapag nakita na ninyo, masaya ninyo itong papasanin pauwi. Pagkatapos, tatawagin ninyo ang inyong mga kaibigan at kapitbahay ninyo at sasabihin sa kanila, “Makipagsaya kayo sa akin, dahil nakita ko na ang nawawala kong tupa.” At sinabi ni Jesus, ‘Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalanang nagsisisi kaysa sa 99 na matuwid na hindi nangangailangang magsisi’” (Luke 15:3-7).

Para ka bang isang tupa na nawawala? Narinig mo ang sinabi ni Jesus: hinahanap ka Niya at hindi Siya titigil hangga’t hindi ka nakikita! At sa araw na mahanap ka, isang bagong buhay ang naghihintay sa iyo kung sasabihin mo ang mga salitang ito: “Ama, nagkasala po ako sa inyo…” (v.18). Gagawin ka Niyang karapat-dapat na anak!

Tulad din ng sinabi ni Jesus, “magdiwang tayo dahil ang anak [na akala ko’y nawala o namatay na] ay bumalik na buhay” (vv.23-24). This is the day when life begins!

Pag-isipan: Basahin ang salaysay tungkol sa Prodigal Son (Luke 15:11-32; Matthew 18:15-35). Ano ang nagtulak sa anak na humingi ng kapatawaran sa kanyang ama? Bakit tinanggap ng ama ng maluwag sa kalooban ang pagbabalik ng kanyang anak?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Buhay sa Bagong Taon

Natapos na ang Pasko pero mayroon namang dumating na bagong taon. Kaya huwag nating kalimutan na nilalaman rin ng awiting, "Ang Pasko ay Sumapit," ang mga salitang ito tungkol sa New Year: “Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo’y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan.” Paano ba magbagong buhay?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com