Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Buhay sa Bagong TaonHalimbawa

Bagong Buhay sa Bagong Taon

ARAW 2 NG 5

Ikalawang araw: Magsimula ka!

Isang classic Tagalog song ang Magsimula Ka! ni Leo Valdez. Hindi lamang isang great reminder ito to start a new leaf, kundi ang tandaan na ang bawat araw ay isang pagkakataon upang maisagawa natin ang nararapat.

Una, sinabi sa awit na “batiin ang kay gandang umaga ng may ngiti sa iyong mga mata.” Kung ikaw ay gumising to a new day, mapalad ka. Mayroong hindi na makakaranas pa ng isang umaga. Kaya sinabi sa Salmo, “Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayo’y magalak at magdiwang” (118:24).

Ikalawa, sinabi sa awit na “tuparin ang pangarap mong tunay habang ang lakas iyo pang taglay.” Ano pa ba ang hinihintay mo upang maisagawa mo ang maraming beses mo ng ipinagpaliban? Sinabi sa Mangangaral, “Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig at manghihina ang iyong mga tuhod. Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin. At lalabo na ang iyong paningin. Ang tainga mo’y hindi na halos makarinig, kahit ang ingay ng gilingan o huni ng mga ibon o mga awitin ay hindi na marinig. Matatakot ka ng umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan ng nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa” (12:3-5).

Ikatlo, sinabi rin ng awitin na “iisa lang ang buhay mo. Kumilos ka, gamitin mo.” May mabuting plano ang Panginoon para sa iyo. Pero kailangan ng iyong aksyon upang ito ay magkaroon ng kaganapan!

Pag-isipan: Ilista ang ilang bagay na iyong ginagawa sa araw-araw. Alin sa mga ito ang dapat mong baguhin at bakit? Ano ang gusto mong simulan ngayong taon na ito?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Buhay sa Bagong Taon

Natapos na ang Pasko pero mayroon namang dumating na bagong taon. Kaya huwag nating kalimutan na nilalaman rin ng awiting, "Ang Pasko ay Sumapit," ang mga salitang ito tungkol sa New Year: “Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo’y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan.” Paano ba magbagong buhay?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com