Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Buhay sa Bagong TaonHalimbawa

Bagong Buhay sa Bagong Taon

ARAW 3 NG 5

Ikatlong araw: May bagong buhay

Sinabi sa Pambansang Awit ng Pilipinas: “May bagong silang, may bago ng buhay…” Gamitin natin ito bilang isang reflection.

“May isang taong nangangalang Nicodemus. Isa siya sa mga pinuno ng mga Judio at kabilang sa grupo ng mga Pariseo. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, ‘Guro, alam naming isa kayong tagapagturo na mula sa Dios, dahil walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Dios.’ Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios ang hindi ipinanganak na muli.’ Nagtanong si Nicodemus, ‘Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi na siya pwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli.’ Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios ang hindi ipinanganak sa pamamagitan ng tubig at Banal na Espiritu Santo. Ang ipinanganak sa pamamagitan ng tao ay may pisikal na buhay, ngunit ang ipinanganak sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagkakaroon ng bagong buhay na espiritwal. Kaya huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo na kailangang ipanganak kayong muli’” (John 3:1-7).

“Namumuhay [tayo] sa mundong ito ng walang pag-asa at walang Dios…[Pero] dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binuhay tayo ng Dios…” (Ephesians 2:12, 6).

Nagtataka ka rin ba tulad ni Nicodemus? Mababago tayo na parang bagong silang sa pamamagitan ng pagtanggap natin kay Jesus, na pinagmumulan ng buhay.

Pag-isipan: Alalahanin ang araw ng iyong pagtanggap kay Jesus bilang Lord and Savior at ibahagi ito sa isang kaibigang walang relasyon kay Jesus bilang testimony.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Buhay sa Bagong Taon

Natapos na ang Pasko pero mayroon namang dumating na bagong taon. Kaya huwag nating kalimutan na nilalaman rin ng awiting, "Ang Pasko ay Sumapit," ang mga salitang ito tungkol sa New Year: “Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo’y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan.” Paano ba magbagong buhay?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com