Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Buhay sa Bagong TaonHalimbawa

Bagong Buhay sa Bagong Taon

ARAW 1 NG 5

Unang araw: Gusto mo ba ng masayang Bagong Taon?

Ang mga Israelita ay nagkaroon din ng pagkakataong ng magsimula muli. Sinabi ng Panginoon, “Mula ngayon, ang buwan na ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo… Ipaalam ninyo sa buong kapulungan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwan na ito, maghahanda ang bawat pamilya… Ito ang Pista ng Paglampas ng Anghel na ipinagdiriwang ninyo bilang parangal sa akin” (Exodus 12:2-3, 11).

Hinihikayat tayong magbagong-buhay lalo na sa pagpasok ng bagong taon. At hindi lamang ito upang makamit ang pansariling kaligayahan kundi ang makapagbigay rin ng kaligayahan sa iba. Alalahanin ang mga salita ni Jesus: “Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minahal, ganoon din dapat ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa. Kung magmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod ko kayo” (John 13:34-35).

Sinabi rin ng awiting Ang Pasko ay Sumapit: “Tayo’y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan.” Ang paalala naman ni Apostol Pablo ay ito: “Kaya huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang gantimpala kung hindi tayo susuko” (Galatians 6:9).

Salamat sa Panginoon at mayroon tayong pagkakataong magbagong-buhay, ang magpakatatag sa Kanyang Salita upang magkaroon tayo ng tunay na kasaganaan. Mahalin natin ang ating kapwa at gumawa ng kabutihan.

Pag-isipan: Paano mo pagsisikapang makapagbigay ng kaligayahan sa iba? Anong paraan ang sinasabi sa Salita ng Diyos na magbibigay ng kasaganaan?

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Buhay sa Bagong Taon

Natapos na ang Pasko pero mayroon namang dumating na bagong taon. Kaya huwag nating kalimutan na nilalaman rin ng awiting, "Ang Pasko ay Sumapit," ang mga salitang ito tungkol sa New Year: “Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo’y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan.” Paano ba magbagong buhay?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com