Anthem: Ang Kwento ng iyong BiyayaHalimbawa
Biyaya sa ating kaguluhan
Ang biyaya ay para sa lahat. Kung sinusunod mo man ang lahat ng mga alituntunin, o ang iyong mga pagkakamali ay nagdala sa'yo sa bilangguan. Kung ikaw man ay adik sa pamimili, o adik sa droga. Kung mahal ka man ng iyong pamilya, o iniwan ka na ng lahat sa iyong buhay.
Kahit sa tingin mo ay karapat-dapat ka, o sa tingin mo ay napakarami mo nang pagkakamali—ang biyaya ay para sa IYO.
Ang biyaya ay hindi para sa perpekto, maayos, at malinis na ikaw. Ang biyaya ay para sa "Minsan na naman akong nabigo, wala nang makakapagmahal sa akin, sobra na akong naligaw," ikaw.
Sa Juan 8, makikita ang kuwento ng isang babaeng nahuli sa pangangalunya. Natagpuan ng mga relihiyosong lider noong panahon iyon ang isang babaeng natutulog kasama ang isang lalaking hindi niya asawa. Ang batas ay humihiling na ang kaparusahan para sa pangangalunya ay kamatayan.
Si Hesus ay nagtuturo sa templo nang dalhin ng mga lider ang babaeng ito sa Kanya. Maaari nating isipin ang kahihiyan, pagkahiya, at takot na naramdaman ng babaeng ito habang siya ay iniharap kay Jesus. Naririnig niya ang mga akusasyon laban sa kanya. Napapalibutan siya ng hatol. Alam niya ang kanyang ginawa. Alam niya na nagkamali siya.
Habang hawak ng mga tao ang mga bato sa kanilang mga kamay, ang mga salitang lumabas sa bibig ni Jesus ay ikinagulat nila. “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” (Juan 8:7). At isa-isa nilang ibinaba ang kanilang mga bato, hanggang si Hesus at ang babae na lamang ang naiwan.
Hindi siya sinigawan, kinutya, o hinatulan ni Hesus. Sa halip, si Hesus ay pumasok sa kanyang kaguluhan, sa kanyang pagkabasag, at sinabi sa kanya na Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”(Juan 8:10-11)
Inaalok ni Jesus sa babaeng ito ang pinaka-kailangan niyang bagay, ngunit hindi niya inaasahan—biyaya. Hindi siya natakot na pumasok sa kanyang kaguluhan. Hindi niya pinagawa sa kanya na maglinis muna bago kausapin siya. Lumapit Siya sa kanya kung ano man siya at inialok sa kanya ang biyaya na hindi lamang nagligtas sa kanyang buhay, kundi nagbago rin nito.
Ang biyaya ay hindi natatakot sa kaguluhan. Inaanyayahan tayo ni Hesus na lumapit sa Kanya anuman ang ating mga kasalanan, dahil ang Kanyang biyaya ang maglilinis at magdadala sa atin pauwi.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Marahil narinig mo na ang salitang "biyaya," pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano maililigtas at mababago ng biyaya ng Diyos ang ating mga buhay? Alamin kung paano tayo natatagpuan ng kamangha-manghang biyayang ito saan man tayo naroroon at kung paano nito binabago ang ating kwento.
More
Nais naming pasalamatan ang Pulse Evangelism sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://pulse.org