Anthem: Ang Kwento ng iyong BiyayaHalimbawa
Pagpapakahulugan sa Biyaya
Walang regalong maihahambing sa kaloob ng Diyos sa buong nilikha—biyaya.
Ang biyaya ay hindi natin karapat-dapat, ngunit ito’y kaloob mula sa Diyos. Mahalaga ang biyaya sa kung sino ang Diyos. Ito’y libreng kaloob ng kaligtasan na bukas para sa lahat.
“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; Hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman”(Efeso 2:8-9).
Sa mga salita ng ebanghelistang si Billy Graham, “Ang biyaya ng Diyos, sa simpleng salita, ay ang awa at kabutihan ng Diyos sa atin.” Ang biyaya ay walang kinalaman sa atin at may kinalaman sa Diyos. Siya ang nagbibigay nito at tayo ang tumatanggap.
Sa ating mundo, tinuruan tayo na kailangan nating paghirapan, pagsikapan, at maging karapat-dapat sa anumang nais natin. Kaya tayo’y nagsusumikap sa ating mga trabaho, nag-aaral hanggang dis-oras ng gabi, tinatago ang ating mga kahinaan, at pinapatunayan ang ating sarili sa iba. Pakiramdam natin kailangan nating maging karapat-dapat para makamit ang ating mga layunin.
Ang biyaya ng Diyos ay kabaligtaran. Ang Kristiyanismo ang tanging relihiyon na hindi nagsasabi ng "gawin," kundi "tapos na." Maaari tayong magtrabaho sa buong buhay natin at subukang maging perpekto upang makuha ang pabor ng Diyos, ngunit hindi tayo kailanman magiging sapat.
Dumating si Hesus at isinagawa ang perpektong buhay na nararapat sana sa atin at namatay sa kamatayang nararapat sa bawat isa sa atin. Ang Kanyang sakripisyo sa krus ay nag-aanyaya sa sinuman na magtitiwala sa Kanyang gawa na maging tama sa harap ng Diyos. Maaari na tayong tumigil sa pagsusumikap na makuha ang pagtanggap at pagmamahal ng Diyos, at makapagpahinga tayo sa gawaing natapos ni Hesus para sa atin. Iyan ang biyaya!
Kapag naranasan na natin ang biyaya ng Diyos, binabago nito kung paano tayo namumuhay. Ang biyaya ay hindi nangangailangan ng ating pagsusumikap upang matanggap ito, ngunit tinuturuan tayo nitong tumanggi sa kasalanan at mamuhay ng makadiyos na buhay. (Tito 2:11-13). Ang biyaya ay nagbibigay-daan din sa atin na gumawa ng mabubuting gawa:
"At ang Diyos ay may kakayahang magpuno sa inyo ng lahat ng biyaya, upang sa pagkakaroon ng sapat na pangangailangan sa lahat ng bagay at sa lahat ng pagkakataon, kayo ay magtaglay ng kasaganaan sa bawat mabuting gawa."(2 Corinto 9:8).
Iniligtas tayo ni Hesus. Ang kanyang biyaya ang nagbabago at nagpapalaya sa sa atin, at walang makakagawa tulad ng kanyang ginawa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Marahil narinig mo na ang salitang "biyaya," pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano maililigtas at mababago ng biyaya ng Diyos ang ating mga buhay? Alamin kung paano tayo natatagpuan ng kamangha-manghang biyayang ito saan man tayo naroroon at kung paano nito binabago ang ating kwento.
More
Nais naming pasalamatan ang Pulse Evangelism sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://pulse.org