Anthem: Ang Kwento ng iyong BiyayaHalimbawa
Kamangha-manghang Biyaya
Paano nagtagal ang isang awitin na isinulat noong 1772 nang daan-daang taon? Paano nagiging mahalaga sa ating buhay ngayon ang mga salita tungkol sa karanasan ng isang tao?
Marahil ang mga liriko nito ay tumutugon sa pangangailangang likas sa ating lahat: ang pangangailangan ng biyaya. Marahil ito’y dahil ang kuwento ng isang tao ay kuwento rin natin: mula sa pagkakaligaw tungo sa pagkakatagpo.
Ito ang dahilan kung bakit ang awit na Kamangha-manghang Biyaya (Amazing Grace) ay nananatiling buhay.
Ang hindi gaanong kilala ay ang kuwento ng taong sumulat ng mga tanyag na salitang ito sa bayan ng Olney sa Inglatera.
Bilang isang kabataan, si John Newton ay mas madalas magmura kaysa manalangin.
Inabuso niya ang mga tao sa halip na mahalin sila.
Mas madalas siyang makaramdam ng kawalan ng pag-asa kaysa pag-asa.
Bilang kapitan ng isang barkong pangalipin, namuhay siya nang malayo sa Diyos at tinalikuran ang mga Kristiyanong aral na itinuro sa kanya ng kanyang ina noong siya ay bata pa.
Sa madaling salita, naligaw ng landas si Newton. Lubos, ganap, na naligaw ng landas. Pero hindi doon nagtapos ang kanyang kuwento.
Noong 1748, ang barkong pinamumunuan ni Newton ay nasa gitna ng isang malakas na bagyo.
Natakot siya na ang barko at ang kanyang mga tauhan ay lulubog sa ilalim ng mga alon at mawawala na ng lubusan, kabilang na ang kanyang buhay.
Sa gitna ng bagyong ito, naalala ni Newton ang Diyos na itinuro sa kanya ng kanyang ina. Tumawag siya sa Kanya at nakiusap na mailigtas mula sa kamatayan sa dagat at sa naging pagkatao nya.
Ito ang naging punto ng pagbabago para kay Newton. Ang barko ay nakarating sa kaligtasan at sinimulan niya ang kanyang bagong buhay kasama si Kristo. Ang luma ay lumipas at ang bago ay nagsimula na.
Naging isa si Newton sa mga pinaka impluwensiyal na pastor ng kanyang panahon at naging mahalagang bahagi ng abolisyon ng pagkaalipin—ang mismong kilusang dati niyang sinuportahan.
Sa buong buhay niya, dalawang bagay ang hindi kailanman kinalimutan ni Newton: “siya ay isang dakilang makasalanan at si Kristo ay isang dakilang Tagapagligtas.” Alam ni Newton na ang dahilan ng pagbabago sa kanyang kuwento ay ang biyaya ng Diyos.
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa
inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.(Efeso 2:8-9).
Matagal nang wala si John Newton sa mundong ito, ngunit ang awitin ng kanyang buhay ay nananatili— Kamangha-manghang biyaya!
Kamangha-manghang biyaya! Kay tamis ng tinig, (Amazing grace! How sweet the sound,)
Na nagligtas sa isang alipin tulad ko! (That saved a wretch like me!)
Noon ako'y nawawala, ngunit ngayo'y natagpuan, (I once was lost, but now am found)
Noon ako'y bulag, ngunit ngayo'y nakakakita. (Was blind, but now I see.)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Marahil narinig mo na ang salitang "biyaya," pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano maililigtas at mababago ng biyaya ng Diyos ang ating mga buhay? Alamin kung paano tayo natatagpuan ng kamangha-manghang biyayang ito saan man tayo naroroon at kung paano nito binabago ang ating kwento.
More
Nais naming pasalamatan ang Pulse Evangelism sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://pulse.org