Anthem: Ang Kwento ng iyong BiyayaHalimbawa
Noon Ako’y Nawawala
Ang kuwento ni Newton ay maaaring ibuod sa isang linyang ito, Noong ako'y nawawala, ngunit ngayo'y natagpuan.
Maari lamang tayong matagpuan kung alam nating tayo’y nawawala. Kapag napagtanto natin na may tamang landas, Ngunit wala tayo roon. Doon natin nararamdaman ang ating pangangailangan na matagpuan.
Ang katotohanan ay, kung wala si Hesus, lahat tayo’y nawawala. Nawawala tayo sa espirituwal, kahit hindi tayo nawawala pisikal.
Inilalarawan ng Bibliya kung ano ang ibig sabihin ng mawala:
“Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos.” (Efeso 2:1-2).
Kapag nawawala tayo, namumuhay tayo sa kasalanan—mga maling bagay na ating ginagawa na sumasalungat sa perpektong batas ng Diyos. Hindi natin alam ang kaibahan ng kasalanan at katuwiran. Hindi natin sinusunod si Hesus, kundi ang “mga daan ng sanlibutang ito.” Ang daan ng mundo ay nangangako ng buhay, pero ang dulo nito ay pagkawasak, at sa huli, kamatayan.
Walang sinuman na nawawala ang maaaring maging nasa bahay sa parehong oras. Kapag tayo ay espiritwal na nawawala, hindi tayo namumuhay sa bahay kasama si Jesus. Nangako si Jesus na ang Ama at Siya ay gagawa ng kanilang tahanan sa mga nagmamahal sa Kanya. (Juan 14:23).
Ang magandang balita ay may paraan upang matagpuan. Hindi natin kailangang mamuhay nang malayo sa tahanan ng Diyos magpakailanman. Walang kandado ang pinto. Ngunit, maaari lamang tayong matagpuan kkung may ibang tao na pupunta at maghahanap sa atin.
Ito ang dahilan kung bakit dumating si Hesus. Sabi Niya sa Lucas 19:10, “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala.”
Hinahanap at inililigtas ni Hesus ang mga nawawala, ginagabayan ang bawat isa pauwi sa Kanya. Sa gayon, tulad ni John Newton, maaari nating awitin, Noong ako'y nawawala, ngunit ngayo'y natagpuan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Marahil narinig mo na ang salitang "biyaya," pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano maililigtas at mababago ng biyaya ng Diyos ang ating mga buhay? Alamin kung paano tayo natatagpuan ng kamangha-manghang biyayang ito saan man tayo naroroon at kung paano nito binabago ang ating kwento.
More
Nais naming pasalamatan ang Pulse Evangelism sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://pulse.org