Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipag-date sa Makabagong PanahonHalimbawa

Dating In The Modern Age

ARAW 6 NG 7

 

Mga Prinsipyo sa Pakikipag-date (Bahagi 1)

Pagdating sa mga prinsipyo sa pakikipag-date, una at pinakamahalaga ay kailangan mong imbitahan ang Diyos ng sansinukob sa proseso. Hayaang ang katotohanan ng kung sino Siya na impluwensiyahan ang iyong mga iniisip at ikinikilos. Pinapalaya ka ng panalangin sa takot na nag-iisa ka—at pinoprotektahan ka nito laban sa pagkokompromiso ng iyong mga pamantayan. Maaari kang mamahinga at tamasahin ang bawat sandali dahil panatag ka sa kaalamang ang malakas at mapagmahal mong Diyos ay umaakay sa iyo sa mabuting paraan. Kapag malinaw ang koneksyon mo sa Diyos, makikita mo ang mga tao na mga itinatanging nilikha sa larawan Niya—hindi para gamitin, kundi para igalang.

Sa pakikipag-date, nagsisimula ang paggalang na iyan kapag sinusunod mo ang pangalawang prinsipyo sa pakikipag-date: maging malinaw sa kabilang partido. Sa Efeso 4:15, sinasabi ni Pablo na isang tanda ng pagiging kay Jesus ay ang “pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig.” Sa Kawikaan 24:26 idinideklara na ang isang tamang sagot ay isang halik sa labi (ABTAG01). Tanda ng paggalang at pag-ibig ang magsabi ng totoo sa kapwa. Kaya't palakasin ang loob mong sabihin nang may hustong paggalang sa kabilang partido ang iyong iniisip, nararamdaman, at ang nais mong gawin.

Siguruhing malinaw ang iyong sinasabi kapag nakikipag-date. Ipaalam sa kabilang partido ang iyong nararamdaman patungkol sa nararanasan mo—huwag mo siyang hayaang nag-iisip kung ano ang susunod na mangyayari. Ang hindi malinaw ay hindi komportable. Isa pa, maging malinaw sa kung paanong maaaring magwakas ang proseso ng pagde-date ninyo. Sabihin kung gaano ka kakomportable sa nararanasan mo kahit kailan, at maging handang tumigil nang walang pamimilit sa isa't isa kung ang isa sa inyo ay hindi komportable. Kailangang may bukas na pinto papalabas. Kapag binigyan mo ang tao ng kalinawan, binibigyan mo sila ng kapayapaan at kalayaan na maging kung sino sila.

Ang mga nananampalataya kay Jesus ay hindi kinakailangang makipaglaro. Maiksi ang buhay. Wala kang panahong manggulo ng mga emosyon ng ibang tao. Sabihin mo ang ibig mong sabihin. Totohanin ang iyong sinasabi. Maging malinaw patungkol sa proseso.

Ang pangatlong prinsipyo sa pakikipag-date ay dapat itong sa pagitan ng mga nananampalataya kay Cristo. Ang Biblia ay malinaw na ang mga nagtitiwala kay Jesus ay makikipag-date (at magpapakasal) sa mga nagtitiwala kay Jesus. Mamahalin mo ang mga hindi naniniwala, ngunit hindi ka maaaring magkaroon ng romantikong pakikipagrelasyon sa kanila. Bilang isang nananampaltaya kay Jesus, ang pakikipag-date ay bahagi ng pakikisapi sa komunidad kasama ng ibang mga mananampalataya—isang relasyong lakip ng pangako. Hindi kinikilala ng Diyos ang pakikipag-date bilang isang “kalagayan.” Kayo ay magkapatid kay Cristo, o mag-asawa. Walang panggitna. Kaya't huwag kang malito.

Sa kaparehong paraan, lubos na malinaw ang Biblia sa mga hangganan sa larangang sekswal. Sa buhay mag-asawa, maraming pinapayagan. Habang wala ka pang asawa, walang pinapayagan. At sa pakikipag-date, wala pa ring pinapayagan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi humihiling na magamit ang iyong katawan habang iniiwasan naman ang anumang pananagutang pagmalasikatan ka sa mga larangang emosyonal at pinansiyal. Kaya't, hanggang sa kayo ay ikinasal na sa harapan ng Diyos, dalawa pa rin kayo. Hiwalay kayo.

May pananagutan ka sa Diyos para sa iyong sariling buhay. Kaya't ituring mo ang pakikipag-date na panahon ng pagsisiyasat tungo sa matatag na konklusyon patungkol sa kabilang partido. Gamitin ang pakikipag-date upang matukoy kung maganda ang inyong samahan o hindi.

Tumugon

Paano mo inaanyayahan ang Diyos sa iyong buhay pakikipag-date? Bakit mahalagang imbitahan mo muna Siya sa proseso bago mo piliing makipag-date sa isang tao?

Ano ang ilang wastong paraan ng pagpapahayag ng iyong mga intensyon sa isang nais mong maka-date? Paano mo mabibigyan ng galang ang isang taong nais mo maka-date sa pamamagitan ng iyong pagtrato sa kanya?

Anong mga hangganan ang itinalaga ng Diyos sa mga relasyon? Kung nagawa mo nang lumampas sa anuman sa mga hangganang ito, paano ka makakabalik sa tama?

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Dating In The Modern Age

Pakikipag-date... kabalisahan o katuwaan ba ang hatid nito sa puso mo? Sa lahat ng koneksiyong teknolohiya, parang naging mas komplikado, mas nakakalito at mas nakakasira ng loob ang pakikipag-date kaysa kailanman noon. Sa 7-araw na babasahing gabay na ito na base sa aklat na Single. Dating. Engaged. Married., tutulungan ka ni Ben Stuart upang makita na may layunin ang Diyos sa yugtong ito ng buhay mo, at nagbibgay siya ng mga gabay na alituntunin upang tulungan kang magpasya kung sino at kung paanong makikipag-date. Si Ben ang pastor ng Passion City Church, Washington, DC, at dating ehekutibong direktor ng Breakaway Ministries, isang lingguhang Bible study na dinadaluhan ng libo-libong mga estudyante sa kolehiyo sa kampus ng Texas A&M. 

More

Nais naming pasalamatan si Ben Stuart sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: https://www.thatrelationshipbook.com