Pakikipag-date sa Makabagong PanahonHalimbawa
Bakit Makikipag-date?
Ang pakikipag-date ay mahirap dahil wala itong kasiguruhan. Minsan pakiramdam nito ay parang nagpipiko sa lupang may mga nakatagong bomba. Dahil dito mapapaisip ka kung bakit ka pa makikipagsapalarang maranasan ang hindi-maiiwasang sakit. Ang sagot ay dahil sa kaibuturan natin ay may malalim tayong pangangailangan at paghahangad na kumonekta sa ibang tao. Nais nating magmahal at maranasan din ang pagmamahal ng iba. Karamihan ng tao sa planeta natin ay gustong mag-asawa. Kaya, handa tayong ipagsapalaran ang drama ng pagde-date para sa inaasahang ganti ng mahabaang, matalik na relasyon.
Sa basahing ito, hindi ko tatalakayin kung paano ka makakakuha ng date, dahil ang katotohanan ay kahit sino ay makakakuha ng date. Kung talagang ibababa mo ang iyong mga pamantayan, maaari ka nang magpakasal ngayong gabi! Ang paghahanap ng maide-date ay madali. Ngunit ang mahanap ang tamang tao sa tamang paraan ay hindi. Kaya't, ang tanong ay magiging paano mo magagawa ito. Paano ang paraan ng pakikipag-date na maitotodo mo ang magagandang aspeto ng pakikipagkilala sa ibang tao habang binabawasan naman nang husto ang sakit? Upang masagot ang tanong na iyan, kailangan mong umatras at itanong ang isang bagay na mas sentral: Ano ang layunin ng pakikipag-date?
Walang sinasabi ang Biblia patungkol sa pakikipag-date, ngunit marami itong sinasabi patungkol sa pagsisiyasat ng tao. Sasabihin ko sa inyo na ang pakikipag-date ang modernong proseso ng pagsisiyasat. Ang pakikipag-date ay pagbatid kung nais mo bang gugulin ang buong buhay mo na kasama ang isang partikular na tao. Ang unang kritikal na tanong sa pagsisiyasat na ito ay ano ba ang mga katangiang dapat mong hanapin sa ibang tao.
Bilang isang wala pang asawa, ang gusto mong direksiyon ay papunta sa Panginoon. Tapat sa Kanya. Ginagamit ang iyong mga kaloob, abilidad, oras, at impluwensiya upang maging pagpapala sa lahat ng taong ginawa sa larawan Niya. Habang hinahabol mo Siya, may iba't ibang klase ng tao ang makakasabayan mong tumatakbo, ngunit sa iba't ibang direksiyon. Kalaunan, makikita mo ang ibang taong kasabay mong humahabol din sa Kanya. Habang tumatakbo ka, kakausapin mo ang ilan sa mga ito. Kikilalanin mo pa sila.
Ang hinahanap mo ay at ang makasundo mo siya. Nais mo ng isang may mabuting pagkatao na buong-pusong humahabol sa Diyos at mga bagay ng Diyos. Tapos nais mo ng isang kasundo mo. Nais mo ng masayang makasama, makausap, at katugma mo. Nais mo ng matatag sa pagiging maka-diyos na pagkatao at masaya, madaling kasundo.
Ang pakikipag-date ay hindi paghahabol sa isang tao upang mahanap mo ang iyong kahulugan at katuparan sa kanya. Masyadong mabigat na pasanin itong ilagay sa kahit sinong tao. At hindi ka ginawa para diyan. Hindi ka kalahating tao na naghihintay sa kabilang kalahati ng ibang tao upang “kumpletuhin” ka. Ikaw ay buo at mahal ng Diyos bilang isang wala pang asawa na tao—hindi ka kulang.
Kaya, ang layunin ng pakikipag-date ay hindi upang mabuo ka bilang isang indibidwal kundi bagkus ang makahanap ng isang tao na may dakilang pagkatao na madali mong makasundo upang sabay kayong makatakbo papunta sa hinaharap na itinalaga ng Diyos para sa inyong dalawa. Kapag nakipag-date ka sa ibang tao, ang layunin ay ang sabay kayong lumago upang mapalakas ang loob, mahamon at maihugis ang isa't isa. Sa prosesong ito, kailangan mong umangkop, magbago, at magsakripisyo. Hindi ito palaging magiging madali o tulad ng mga romantikong paglalarawan sa mga pelikula sa Hollywood. Ngunit makakasiguro kang sulit na sulit ang paglalakbay mo.
Ito ang layunin ng pakikipag-date. Ito ang pangitaing nilalayon mo sa pag-aasawa. At napakaganda ng paglalakbay na iyan!
Tumugon
Paano ka na nasaktan sa mga relasyon sa pakikipag-date? Ano ang mga natutunan mo sa mga karanasang iyon?
Ano ang motibo mo sa kagustuhan mong makipag-date? Mabuti ba ang mga motibo mo? Bakit oo o bakit hindi?
Ano ang makakatulong sa iyo na siyasatin ang potensiyal na mapapangasawa? Ano ang mga minimithi mo para sa kinabukasan habang pinag-iisipan mong maka-date ang isang tao?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pakikipag-date... kabalisahan o katuwaan ba ang hatid nito sa puso mo? Sa lahat ng koneksiyong teknolohiya, parang naging mas komplikado, mas nakakalito at mas nakakasira ng loob ang pakikipag-date kaysa kailanman noon. Sa 7-araw na babasahing gabay na ito na base sa aklat na Single. Dating. Engaged. Married., tutulungan ka ni Ben Stuart upang makita na may layunin ang Diyos sa yugtong ito ng buhay mo, at nagbibgay siya ng mga gabay na alituntunin upang tulungan kang magpasya kung sino at kung paanong makikipag-date. Si Ben ang pastor ng Passion City Church, Washington, DC, at dating ehekutibong direktor ng Breakaway Ministries, isang lingguhang Bible study na dinadaluhan ng libo-libong mga estudyante sa kolehiyo sa kampus ng Texas A&M.
More