Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipag-date sa Makabagong PanahonHalimbawa

Dating

ARAW 4 NG 7

 

Sino ang Dapat Maging Ka-date

Isa sa malalaking peligro ng pakikipag-date ay ang inklinasyong pairalin ang mentalidad na mamimili imbes na mentalidad na makakasama. Kapag tinanong mo ang mga tao kung anong klase ng tao ang gusto nilang maka-date, bibigyan ka nila ng isang listahan ng mga katangian. “Matangkad, pero hindi masyado. Sensitibo, pero malakas. May kumpiyansa, pero mapagmalasakit din. Guwapo, pero nakakatawa. May mabuting trabaho at magandang kita.”

Ang problema sa pagsisimula sa isang listahan ng mga katangian ay lumilikha ito ng isang ekspektasyon na hindi matutugunan ng sinuman. Sinusubukan mong magpasadya ayon sa inaakala mong pinakamabuti para sa iyo. Sa pakikipag-date, ang hinahanap mo ay taona mamahalin, hindi isang produkto na gagamitin. Kaya't ang proseso mo ng pagpili ay hindi maaaring nakaugat sa mga lumilipas na katangian tulad ng hitsura, pagiging kaakit-akit, o kayamanan, dahil ang mga ito ay lilipas sa katagalan (tingnan ang Kawikaan 31:30). Kung ang buhay mag-asawa ninyo ay nakatatag sa mga panlabas na katangian, wala kayong pag-asa ng pangmatagalang pagsasama sa hinaharap.

Sa pakikipag-date, hindi ka nagkukumpuni ng isang robot mula sa mga bahagi ng tao na aangkop sa iyong mga pangangailangan. Bagkus, ginagamit mo ang buhay mo sa ikauunlad ng ka-date mo tungo sa ikararangal ng Diyos. Samakatwid, ang taong pakakasalan mo ay kailangang may inaangklahan pagdating sa pag-ibig at moralidad na hindi ikaw o mula sa iyo upang ang buhay mag-asawa ninyo ay mapapanatiling malakas kahit sa mga panahong lubos kang mahina. Ang gusto mo ay isang taong ang katapatan ay hindi nakaangkla sa pabago-bagong mga sitwasyon.

Malalaman mo ba ang lahat ng ito tungkol sa isang tao sa unang date? Siyempre, hindi! Kahit sino ay kayang magkunwari sa isang oras na pakikipagpanayam. Bagkus ang gusto mong makita ay isang taong nagpupunyaging gumawa ng magagandang bagay dahil sa magagandang mga kadahilanan. Ang nais mo ay isang taong aktibong humahabol sa Panginoon nang may alab na katugma ng sa iyo. Nais ninyong tumayong magkasama sa altar at mangakong magiging tapat sa isa't-isa nang hindi nag-iisip kung pareho kayong tapat.

Nais mong ipamuhay ang mga taong kasama ang taong hindi lang tapat sa Diyos kundi kabagay mo rin. Ang mga personal mong paninindigan at paniniwala patungkol sa Diyos ay mahalaga sa inyong relasyon. May mga kritikal na isyung teolohikal na hindi maaaring baluktutin: ang pagkakaroon ng tatlong persona ng Diyos, ang realidad ng kasalanan, ang pagkamatay ni Cristo kapalit natin, at nang dahil sa kagandahang-loob ng Diyos tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Maliban sa mga ito ay may iba pang mga kritikal na isyu na maaaring hindi ninyo pagkasunduan at maaaring talakayin nang magkasama. Ngunit pinaaalalahanan ko kayo na bagama't hindi ninyo kailangang magkasundo nang lubos sa lahat ng isyu, marapat kayong maging lubos na magkasundo sa mga isyung pinakakritikal sa inyo.

Ang pagiging magkasundo sa pakikipagkapwa ay mahalaga. Ang mas maraming panahon sa inyong buhay mag-asawa ay hindi gugugulin sa pakikipagtalik kundi sa pagiging magkasama sa iba pang mga bagay. Dapat kawili-wili sa iyo ang asawa mo. Dapat magkasundo ang direksyon ng inyong mga layunin sa buhay at karera. Ang ilang pagkokompromiso ay kailangan. Pero kung masyado naman, maaaring maramdaman ninyong kayo ay bigo dahil hindi ninyo maabot ang kanya-kanyang misyon ninyo sa buhay.

Kinikilala ng Biblia ang halaga ng pisikal na atraksyon (basahin ang Awit ni Solomon). Bahagi ito ng pagtatatag ng relasyon—pero hindi ito ang nagtatalaga kung dapat mong makasama ang isang tao. Malinaw naman, na ito ay dahil lahat tayo ay tumatanda at ang panlabas na ganda o kalusugan ay kumukupas. Kaya maging matalino! Lubos na mas madaling pag-isipan ang mga isyung ito bago ang kasal. Ang pagsasaalang-alang ng lahat ng mga puntong ito ay tutulong sa iyong mabatid kung ang isang relasyon ay itinalaga o hindi ng Diyos.

Tumugon

Kapag pinag-iisipan mo kung sino ang ide-date, ano ang hinahanap mo sa taong iyon?

Ano ang hindi talaga pupuwede sa iyo sa pagpapasya kung sino ang ide-date? Sa anong mga bagay ka handang magbigay at magsakripisyo sa isang relasyon?

Paano mo matutukoy kung ang taong nais mong i-date ay nagpupunyagi tungo sa mga kaparehong layunin na mayroon ka? Paano maaaring makasira ito sa hinaharap kung hindi ito gagawing prayoridad?

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Dating

Pakikipag-date... kabalisahan o katuwaan ba ang hatid nito sa puso mo? Sa lahat ng koneksiyong teknolohiya, parang naging mas komplikado, mas nakakalito at mas nakakasira ng loob ang pakikipag-date kaysa kailanman noon. Sa 7-araw na babasahing gabay na ito na base sa aklat na Single. Dating. Engaged. Married., tutulungan ka ni Ben Stuart upang makita na may layunin ang Diyos sa yugtong ito ng buhay mo, at nagbibgay siya ng mga gabay na alituntunin upang tulungan kang magpasya kung sino at kung paanong makikipag-date. Si Ben ang pastor ng Passion City Church, Washington, DC, at dating ehekutibong direktor ng Breakaway Ministries, isang lingguhang Bible study na dinadaluhan ng libo-libong mga estudyante sa kolehiyo sa kampus ng Texas A&M. 

More

Nais naming pasalamatan si Ben Stuart sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: https://www.thatrelationshipbook.com