Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipag-date sa Makabagong PanahonHalimbawa

Dating In The Modern Age

ARAW 1 NG 7

 

Unahin ang Dapat Unahin

Nais mo bang maging ang tipo ng taong mabuti at mapagmahal sa iba? Nais mo bang maging ang taong nagpapakita ng klase ng pagmamahal sa iba na tulad ng ipinapakitang pagmamahal sa iyo ng Diyos? Nais mo bang maging isang bukal ng buhay sa iyong pamilya, mga kaibigan, sa taong dini-date mo—at kalaunang mapapangasawa mo? Kung ganoon, kailangan mo ng bukal ng buhay. Ganito ito itinalagang mangyari noong una pa man. Ang pag-ibig na niyayapos ay nagiging pag-ibig na ibinibigay din. Ito ang natural na mangyayari dahil unang inibig tayo ng Diyos (tingnan ang 1 Juan 4:19). Kapag ikaw ay may bukal ng buhay, maaari kang maging isang bukal ng buhay.

Sa Juan 4, ipinaliwanag ni Jesus kung paano ang bawat isa sa atin ay may malalim na pananabik sa ating mga kaluluwa na mahalin. Kinausap ni Jesus ang babae sa isang balon, at sa isang punto sinabi sa kanya ang, “sapagkat lima na ang iyong naging asawa, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa.” (bersikulo 18 rtpv05). Sinabi rin Niya, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka naman niya ng tubig na nagbibigay-buhay” (bersikulo 10 rtpv05). Ang sinasabi ni Jesus ay, “Naghahanap ka ng magpupuno sa iyong malalim na pagkauhaw ng kaluluwa sa mga bisig ng mga lalaki—at hindi mo iyan mahahanap doon. Mali ang pagkakatukoy mo sa iyong pangangailangan.” Ang sinasabi ni Jesus ay ang tanging makakapuno ng pananabik sa kanyang kaluluwa ay makikita sa Diyos, ang bukal ng buhay, at hindi sa anumang relasyon sa tao.

Kapag ginamit mo ang relasyon sa pakikipag-date upang patunayan ang sarili mo, mauuwi lang ito sa mistulang paghigop ng buhay mula sa kasama mo. Ganyan nabubuo ang mga "toxic" na relasyon sa pakikipag-date. Ito ang dahilan kung bakit napapasama ang marami sa mga ito. Kapag dinala mo ang mga pangangailangang tanging ang Diyos ang makakapuno sa iba, hinding-hindi nila mapupunuan ang mga pangangailangang iyon. At hindi mo maiaalok sa kanila ang pag-ibig na walang kondisyon sa mga araw na sila ay nahihirapan, dahil ang mga iyan mismo ang sumasagisag sa iyong bukal. Ngunit kapag ang Diyos ang iyong bukal, magiging pinakanatural na bagay sa mundo ang padaluyin ang pag-ibig Niya sa iyo patungo sa taong idini-date mo. Kapag alam mong tunay kang minamahal, madaling magmahal sa iba. Kapag mayroon kang hindi nauubos na pinagmumulan ng pag-ibig, maaari ka nang maging bukal ng pag-ibig para sa iba.

Kung ikaw ay nakipag-isa na kay Cristo, alam mong ikaw minamahal ng pinakamaganda at pinakamakapangyarihan na katauhan na umiiral. Alam Niya ang pangalan mo. Nakikita ka Niya. Ibinigay Niya ang lahat para gawin kang Kanya. Hindi ka Niya kailanman susukuan. Kaya, bago ka mag-date—at bago ka magpasya na pakasalan ang mapapangasawa mo—kailangan mong makilala ang iyong Manlilikha at magtatag ng relasyon sa Kanya. Nasa katatagan ng paglalakad kasama ni Cristo ka may mapagkukunan ng maipagpapala sa taong idini-date mo.

Tumugon

Bakit napakahalaga na ang Diyos ang iyong bukal upang magawa mong maging bukal ng buhay sa iba? Ano ang mangyayari kung hindi ito ang uunahin mo?

Paano naaapektuhan ng relasyon mo sa Diyos ang relasyon sa taong idini-date mo? Paano naaapektuhan ng relasyon mo sa Diyos ang pagtingin mo sa sarili mo?

Ano ang kinakailangan mong gawin ngayon para lumago sa relasyon mo sa Diyos? Anong mga praktikal na hakbang ang ilalapat mo upang mangyari ito?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Dating In The Modern Age

Pakikipag-date... kabalisahan o katuwaan ba ang hatid nito sa puso mo? Sa lahat ng koneksiyong teknolohiya, parang naging mas komplikado, mas nakakalito at mas nakakasira ng loob ang pakikipag-date kaysa kailanman noon. Sa 7-araw na babasahing gabay na ito na base sa aklat na Single. Dating. Engaged. Married., tutulungan ka ni Ben Stuart upang makita na may layunin ang Diyos sa yugtong ito ng buhay mo, at nagbibgay siya ng mga gabay na alituntunin upang tulungan kang magpasya kung sino at kung paanong makikipag-date. Si Ben ang pastor ng Passion City Church, Washington, DC, at dating ehekutibong direktor ng Breakaway Ministries, isang lingguhang Bible study na dinadaluhan ng libo-libong mga estudyante sa kolehiyo sa kampus ng Texas A&M. 

More

Nais naming pasalamatan si Ben Stuart sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: https://www.thatrelationshipbook.com