Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa
![7 Things The Bible Says About Anxiety](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4538%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang mamuhay para sa ngayon ay maaaring maging mahirap. Hindi madali na simpleng tamasahin ang ngayon, kung ano ang mayroon tayo ngayon, at kung sinu-sino ang mga kasama nating makaranas ang mga kaganapan ngayon. Napakaraming nangangailangan ng ating atensyon, nangangailangan sa ating iskedyul, at pangangailangan para sa ating mental na enerhiya. Minsan pakiramdam natin ay imposibleng harapin ng lubusan ang ngayon dahil hinihila na tayo ng bukas.
Sinabihan tayo ni Jesus na gumawa ng bagay na radikal--Sinabihan Niya tayong huwag alalahanin ang bukas. Sinabi Niya sa atin sa Mateo 6:34 na ihahanda Niya tayo upang maharap natin ang mga problema sa ngayon lamang--hindi bukas, sa susunod na linggo, o sa susunod na buwan.
May ilang araw sa ating buhay na tila mas mahirap kaysa sa iba. Napakadali para sa aking hindi alalahanin ang bukas kung ang "bukas" ay dapat na isang Sabado ng pamamahinga. Ngunit, ito ay mas nagiging mahirap kung ang "bukas" ay ang araw na ako ay may malaking pulong na dadaluhan (o appointment sa dentista!).
Kung tayo ay mag-aalala para bukas at anuman ang ating iniisip na maaaring dala nito, sinusubukan nating kontrolin ang bagay na nasa kontrol ng Diyos, at hindi natin. Kung tayo ay tapat sa ating mga sarili, wala talaga tayong alam kung ano ang maaaring mangyari bukas. Hindi nga rin natin alam kung ano ang mangyayari mamaya sa araw na ito! Subalit, pwede nating kilalanin Siya na kumokontrol ng ngayon. At ng bukas. At ng magpakailanman.
Maghanap ng oras ngayon upang mamahinga sa katotohanang iyan. Magsaya sa sandaling ito, sa araw na ito, ng may kaalamang hawak ng Diyos sa Kanyang mga kamay ang ngayon at bukas. Hayaan mong ang Kanyang kapayapaan ay gawing makabuluhan ang "ngayon".
Casey Case
Taga-panguna ng YouVersion Suport
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![7 Things The Bible Says About Anxiety](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4538%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na ito, ang mga kawani sa YouVersion ay tutulong sa iyong maisagawa ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos sa anumang kinakaharap mo ngayon. Ang bawat araw na debosyonal ay may kaakibat na Verse Image upang matulungan kang ibahagi sa iba kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Walang Ikinababalisa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16022%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Walang Ikinababalisa
![Paghahanap ng Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13452%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paghahanap ng Kapayapaan
![Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16462%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan
![Kabalisahan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F15303%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Kabalisahan
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Plano ng Diyos sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11674%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Plano ng Diyos sa Iyong Buhay
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12737%2F320x180.jpg&w=640&q=75)