Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa

7 Things The Bible Says About Anxiety

ARAW 6 NG 7

Sa ating buhay, magkakaroon tayo ng mga problema. Dahil sa ating pagiging makasalanan at mga gawa ng kalaban, ang mga problema ay makikita sa ating paligid. Hindi dapat tayo magulat sa pagdating ng mga problema; sinabi ni Jesus na magkakaroon tayo ng mga problema sa mundong ito. Bakit Niya kaya ito nasabi? Dahil Siya ay tapat at mahal Niya tayo. Sa pamamagitan ng Kanyang paghahanda sa atin, tinutulungan tayo ni Jesus na umiwas sa takot at pangamba sa tuwing tayo ay nasa mahirap na sitwasyon.

Ipinakita sa atin ni Jesus kung paano ang mapagpakumbabang pagsunod. Siya ay naging masunurin sa gitna ng mga mahihirap na sitwasyon na hindi maikukumpara sa mga pagdadaanan natin - kabilang na ang pagkamatay sa krus. Ngayon, Siya ay nakaupo sa kanang kamay ng ating Panginoong Ama, namamagitan para sa atin. Makakakuha tayo ng kaginhawaan sa pag-iisip na mayroon tayong kaibigan na nakakaintindi sa ating mga kahinaan.

Maaari tayong magdiwang sa kaalaman na bawat mahirap na landas ay inilalapit tayo kay Cristo at sa Kanyang kaharian. Ito ang ating pag-asa; natalo ni Jesu-Cristo ang pagkakasala at kamatayan hanggang sa walang hanggan. Ang kamatayan ay walang epekto sa Kanya, hindi Siya maikukulong sa libingan at ang kapangyarihan ng pagkakasala ay hindi kailanman Siya matatalo, at ang kadiliman ay hindi mananalo sa Kanya!

Dahil tinapos ni Cristo ang trabaho sa krus, tayo ay naging mga anak ng Diyos, maaari rin nating malampasan ang kasalanan. Naisalba na ni Jesus ang buong mundo at kasama dito ang bawat mahirap na sitwasyon. Maaari tayong umasa sa ating walang hanggang tahanan kasama si Jesus. - Jacob Allenwood, YouVersion Web Developer

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Anxiety

Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na ito, ang mga kawani sa YouVersion ay tutulong sa iyong maisagawa ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos sa anumang kinakaharap mo ngayon. Ang bawat araw na debosyonal ay may kaakibat na Verse Image upang matulungan kang ibahagi sa iba kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos.

More

Ang Gabay na ito ay isinulat at ibinahagi ng pangkat sa YouVersion. Bisitahin ang youversion.com para sa karagdagang impormasyon.