Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa

7 Things The Bible Says About Anxiety

ARAW 5 NG 7

Sa buhay, makakaranas ka ng mahihirap na sitwasyon. Kung hindi mo ito paghahandaan, maaaring maging mas mahirap kapag dumating na ang pagkakataon. Isang paraan upang malabanan ang pagkabalisa ay palibutan ang sarili ng mga tamang tao - mga taong makakatulong sa iyo na malagpasan ang mga problema. Kung ang isang pagsubok ay waring napakalaki upang malagpasan, ang pagbabahagi nito sa iba ay makakatulong na mabawasan ang bigat na nadarama kung hindi man maresolba ang problema.

Ibinibigay ni Jesus ang kapayapaan sa naiibang antas. Siya ay lagi mong kasama, kailanman at kung saan mo man Siya kailangan. Kapag binibigyan ka ng pagsubok ng buhay, nakakagaan sa pakiramdam na malamang si Jesus ay nariyan lamang upang tulungan kang mapagtagumpayan ang anumang sagabal. Habang ikaw ay lumalapit sa Kanya, mas mararamdaman mo ang kapayapaan - kahit na sa mga mahihirap na sitwasyon...kahit na nilalabanan mo ang pagkabalisa.

Kapag inilagay mo ang kompiyansa mo sa Panginoon, sa halip na sa iyong sarili (o sa kung ano mang pangyayari), ang mga kahirapan sa buhay ay hindi ganoon kabigat. Mababawasan ang iyong pangamba at mas lalago pa ang kapayapaan dahil alam mong si Jesus ay naglalakad kasama mo sa anumang hinaharap mo. Katulad sa pagpapalago mo ng kaalaman upang makatulong sa isang pagsusulit o proyekto, ang pagpapalago ng pananampalataya ay nakakatulong upang ikaw ay umasa kay Jesus.

Hindi mo kailangang pagdaaanan ito nang nag-iisa. Si Jesus ay nariyan para sa iyo. Ilapit mo sa Kanya ang iyong mga pinapangambahan dahil nagmamalasakit Siya sa iyo.

Ryan Ackermann
YouVersion iOS Developer

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Anxiety

Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na ito, ang mga kawani sa YouVersion ay tutulong sa iyong maisagawa ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos sa anumang kinakaharap mo ngayon. Ang bawat araw na debosyonal ay may kaakibat na Verse Image upang matulungan kang ibahagi sa iba kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos.

More

Ang Gabay na ito ay isinulat at ibinahagi ng pangkat sa YouVersion. Bisitahin ang youversion.com para sa karagdagang impormasyon.