Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa
Ang dahilan man ay ang suliranin sa pananalapi, suliranin sa pakikipag-relasyon, o napakaraming gawain, ang kabalisahan ay maaaring gumapang papasok sa ating buhay sa maraming paraan. Maaaring hindi tayo mapakali buong araw, o hindi makatulog sa gabi, o talagang atakihin na tayo ng pagkabalisa.
Kung ikaw ay isang Cristianong pinaglalabanan ang pagkabalisa, ang isa sa maaaring una mong maramdaman ay ang pagkakasala. "Dapat ba akong nakakaramdam ng ganito kung totoo nga akong Cristiano?" ay isang kaisipang maaaring madalas na pumasok sa iyong isipan. Sa sinasabi sa Banal na Kasulatan ngayong araw na ito, ang may-akda ng Mga Awit 55:22 ay nagsasabi sa ating ibigay ang ating mga kabigatan sa Panginoon, at tayo ay Kanyang pangangalagaan.
Pansinin na hindi sinabi sa bersikulong nararapat na nauunawaan na nating mabuti ang buhay natin. Hindi sinasabi nitong hindi na tayo makakaranas ng kabalisahan. Sa halip, sinasabi nitong kapag tayo ay may kabigatan ay ibigay natin ito sa Panginoon.
Narito ang mabuting balita: magagawa mo na ito! Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Gabay sa Bibliang ito, inaamin mong hindi mo kayang mapagtagumpayan ang iyong pagkabalisa nang nag-iisa, kundi kailangan mo ang tulong ng iyong Ama sa langit. Anuman ang iyong kalagayan, iyan ay isang napakabuting lugar na dapat mong maranasan—ang tumakbo patungo sa Diyos.
Narito ang aking hamon sa iyo sa araw na ito: gumawa ng isa pang hakbang sa pagbibigay ng mga kabigatan mo sa Diyos. Narito ang ilang mga ideya:
- gumugol ng 5 minuto ngayong araw na ito sa pananalangin at sabihin mo sa Diyos ang mga bumabagabag sa iyo.
- Isulat mo ang mga nararamdaman mo at kung paano itong nakakaapekto sa iyo.
- Makipagkita sa isang mapagkakatiwalang kaibigang Cristiano at makipag-usap sa kanya tungkol sa mga bumabagabag sa iyo.
Jordan Wiseman
YouVersion Media Strategist
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na ito, ang mga kawani sa YouVersion ay tutulong sa iyong maisagawa ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos sa anumang kinakaharap mo ngayon. Ang bawat araw na debosyonal ay may kaakibat na Verse Image upang matulungan kang ibahagi sa iba kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos.
More