Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Ka Pa TaposHalimbawa

You're Not Finished Yet

ARAW 2 NG 5

Ikaw ay Nilikha Upang Lumakad Paabante

Ang pambansang emblema ng Australya ay naglalarawan ng isang matalinong imahen, na malapit sa aking puso dahil ako ay ipinanganak at lumaki sa Australya at dahil personal itong makahulugan sa akin. Nilalarawan nito ang dalawang hayop na dala ang isang panangga—ang pulang kangaroo at ang emu. Pinili ang mga ito hindi lang dahil sila ay katutubong Australyano kundi dahil din ang mga ito ay nilikha upang gumalaw nang paabante.

Ang emu, isang malaki at hindi lumilipad na ibon na mas maliit lang nang kaunti sa pinsan nitong ostrich, ay kilala sa bilis nito, na kayang humakbang ng siyam na talampakan sa isang hakbang kapag tumatakbo nang buong lakas. Ito ang kaisa-isang ibon na may kalamnan sa binti—na tulad ng isang tao. Gayunpaman, hindi nito kayang maglakad nang paatras. Kaya lang nitong gumalaw nang paabante.

Ang pulang kangaroo—tulad ng lahat ng mga kangaroo—ay gumagalaw gamit ang isang palundag na kilos na tinatawag na saltation, na ang literal na kahulugan ay “tumalon.” Itinutulak nilang sabay ang kanilang malalaking paa at ginagamit ang kanilang mga buntot para maging balanse. Ang kumbinasyon ng kanilang maskuladong mga binti, malalaking paa, at mga buntot ang tumutulong sa mga kangaroo na gumalaw paabante nang maayos. Ngunit ganoon din, kaya lang nilang gumalaw nang paabante—hindi nang paatras.

Kapag naiisip ko sila, at na sila ay mga ginawa ng Diyos na hindi nakakapaglakad nang paatras, hindi ko maiwasang maisip tayo—mga taong ginawa ayon sa larawan ng Diyos, isa pang kababalaghan ng paglilikhang idinisenyo upang gumalaw nang tulad.

Nauunawaan kong kailangan nating kung minsang humakbang paatras at alalahanin ang nakaraan upang makausad tayong paabante, at kung minsan nasasalanta tayo ng buhay at pakiramdam natin ay umatras tayo ngunit tapat ang Diyos na buhatin tayo at tulungang makapagpatuloy nang paabante. Lahat tayo ay nasa mga lakbayin saanman tayo naroroon. May mga panahong mabilis tayo nakakaabante, at sa iba ay mas dahan-dahan, ngunit sa kabuuan, patuloy tayong nagsisikap. Kahit na panandalian tayong tumigil upang lingunin ang nakaraan, ayaw nating maipit sa nakaraan, di ba? Ilang ulit na nating pinayagan ang isang panahon ng pagkabigo, pasakit, pagtanggi, sama ng loob, o takot na pigilan tayong umusad nang paabante? Ngayon ay isang mabuting araw na abutin ang kamay ni Jesus, at tulad ng emu at pulang kangaroo, ihakbang ang sunod na hakbang paabante.

Sundin natin ang iminungkahi ni Pablo sa mga taga-Filipos, na limutin ang nakaraan at sikaping marating ang layuning nais makamtan. Hindi natin mababago ang nakaraan. Ni kaunti. Ngunit kaya nating makaapektuhan ang ating hinaharap. Maaari tayong patuloy na magtiyaga sa pananampalataya, at sikaping makamtan ang lahat ng nilayon ng Diyos para sa atin. Maaari tayong magpatuloy sa nag-iisang direksyon na itinalaga ng Diyos na ating tahakin.

Ang emu. Ang pulang kangaroo. At ikaw. Lahat ay nilikha upang umusad paabante. Hindi kailanman paatras. Tayo na't maging lahat ng bagay na nilikha tayo ng Diyos na maging upang magawa natin ang lahat ng tinawag Niya sa ating gawin!

Panalangin

Ama sa Langit, salamat sa Iyo na kahit sa kalikasan ay binibigyan Mo kami ng mga halimbawa. Binibigyan Mo kami ng katalinuhan. Tulungan kaming gumalaw ayon sa Iyong pagkakalikha sa amin—paabante, at hindi kailanman paatras. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

You're Not Finished Yet

Mayroon ka ba ng kinakailangan para sa pangmatagalan? Na lumakad sa iyong layunin nang malayuan? Ang kalagitnaan ng anumang gawain—sa karera, mga relasyon, ministeryo, kalusugan—ang kadalasang panahong pinanghihinaan tayo ng katatagan at katiyagaan dahil ang mga kalagitnaang panahong iyon ay kadalasang magulo at mahirap. Sa 5 araw na gabay na ito, pinaaalalahanan tayo ni Christine Caine na kaya nating sumulong nang pangmatagalan - hindi dahil taglay natin ang lakas kundi dahil taglay ito ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.christinecaine.com