Hindi OkayHalimbawa

Sa sinaunang Gresya, mayroon silang alamat ng isang lalaki na nagngangalang Sisyphus, Siya ay isang sinaunang prinsipe na nanlinlang sa dalawang diyos ng mga Griyego, na hindi kailanman isang magandang ideya. Bilang kaparusahan, pinilit nilang tumulak siya magpakailanman ng isang malaking bato sa burol, para lang ang malaking bato ay palaging agad na gumulong pabalik. Kaya, ayon sa kanilang mga alamat, gagawin niya ito magpakailanman — itutulak ang isang malaking bato pataas sa burol nang pauilit-ulit para sa kawalang hanggan. Waring masaklap ito.
Marahil ay pakiramdam mo na parang si Sisyphus sa ilang bagay sa iyong sariling buhay. Marahil mayroon kang kapamilya na may sakit. Marahil hindi mo alam kung paano patataasin ang iyong mga marka. Marahil ang iyong pamilya ay may mga problema sa pera. Marahil ay marami kang stress at pag-aalala sa isipan mo, at hindi mo ito mapawi. Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagbibigay sa iyo ng pakiramdam na parang bawat araw ay nagtutulak ka ng isang malaking bato sa burol, at wala kang makitang katapusan.
Ang pakikibakang katulad nito ay maaaring napakasakit. Nakakapagod din ito. Nais mong lumipas ang isang araw na hindi mo kailangang harapin ito, ngunit laging nandiyan ito, nakabitin sa iyong isipan na parang isang ulap.
Kapag nararamdaman natin ito, tinuturuan tayo ng Diyos na maging matapang dahil hindi natin kailangang harapin ang mga bagay na ito nang mag-isa. Ang Diyos ay nasa tabi natin, gumagawang kasama natin sa anumang bagay na nagdudulot sa atin ng problema, handang tulungan tayo na magtagumpay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.
More