Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 23 NG 28

Isa sa mga unang ginagawa ng direktor ng pelikula kapag nagsisimula ng isang bagong proyekto ay ang paghahanap ng mga artista. Sinusubukan nilang kunin ang posibleng pinakamalaking mga bituin at ang pinakamahusay na mga gumaganap upang gawing mas maging maganda ang pelikula hanggang maaari. Walang sinuman ang gustong gumawa ng pelikula kasama ang maraming artista na hindi bihasa sa kanilang ginagawa.

Hmmm, halos wala . . . isipin ang Diyos bilang direktor ng buhay at bawat isang tao ay kasama sa pelikula. Mas maganda kung lahat tayo ay nababagay na maging malalaking bituin at mga artistanga nananalo sa Oscar, ngunit hindi iyon ang kaso. At maniwala ka man o hindi, ganoon ang plano ng Diyos.

Sa pagbasa ngayon, sinasabi ni Pablo na sa katunayan, pinili tayo ng Diyos para sa ating papel dahil hindi tayo sikat. Alam ng Diyos kung gaano karami sa atin ang nakikipaglaban sa pag-aalala at stress at sa pakiramdam na hindi tayo nakakaaabot sa kung sino tayo dapat. Hindi natin binibigo ang Diyos dahil ito ang eksaktong plano ng Diyos.

Kita mo, ninanais ng Diyos na lahat tayo ay nakaturo kay Jesus. Kapag parang nanghihina, pagod, nanlulupaypay, o stressed, maaari tayong magtiwala kay Jesus dahil Siya ang dapat na humahawak ng lahat ng mga ito sa isang banda. Hindi ka nilalayon na humawak sa lahat ng ito sa iyong sarili! Nilalayon ka na magtiwala kay Jesus. At kapag ginawa mo ito, makikita mo kung sino ang totoong bituin ng palabas.

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org