Hindi OkayHalimbawa

Kung nakapag-hike ka na, alam mo na kailangan mong mag-ingat sa mapapanganib na halaman katulad ng poison ivy. Kung masagi mo ito, gugugulin mo ang mga susunod na araw sa lubos na paghihirap. Sa kasamaang palad, madaling makatagpo ng poison ivy dahil ito ay mukhang isang normal na halaman. Ngunit kung alam mo kung ano ang hinahanap mo, karaniwang maiiwasan mo ito. Ito ay matingkad na berde ang kulay, at ang mga dahon ay palaging tig-tatatlo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga hiker ay may kasabihan: "Ang may dahon na tatlo, hayaan ito."
Hindi ba't maganda kung ang bawat problema sa buhay ay may isang uri ng simpleng panuntunan upang tulungan ka na malaman kung ito ay isang malaking bagay o hindi? Nakipag-away ka sa isang kaibigan . . . Malaking bagay ba ito, o matatapos din ito agad? Pakiramdam mo na medyo may sakit ka . . . Mawawala ba ito bukas, o kailangan mong pumunta sa doktor at magpatingin?
Sa kasamaang-palad, hindi tayo laging may madali at tuwirang paraan upang malaman kaagad kung ang ating mga problema ay maliliit na alalahanin lamang o mas malaki o mas seryoso. Subalit mayroon tayong Diyos.
Sa pagbasa ngayon sa Biblia, sinasabi ni Santiago na maaari tayong palaging humingi ng karunungan sa Diyos. Ang karunungan na nanggagaling sa Diyos ay makakagawa ng malaking pagkakaiba kapag nauunawaan natin ang ating stress at pag-aalala. Sa tulong ng Diyos, hindi lamang natin maiiwasan ang "poison ivy" ng buhay kundi malalaman din natin kung paano ito kokontrolin kapag nasumpungan natin ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.
More