Ang Boteng Alabastro Halimbawa
![The Alabaster Jar](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3548%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pagbalik ng Silakbo ng Damdamin
Dahil sa nag-uumapaw niyang pagmamahal at pagiging bukas-palad, nakatanggap si Maria ng batikos mula kay Judas patungkol sa kanyang mga priyoridad. Tumugon si Jesus kay Judas na palaging magkakaroon ng mga pagkakataong magsilbi. Si Maria, hindi tulad ng kanyang kapatid na si Marta na gumawa ng napakaraming kabutihan at nag-asikaso sa marami, ay nakabatid na “...iisa lamang ang talagang kailangan”. (Lucas 10:42) at iyon ay ang sumamba sa presensya ni Jesus.
Matututunan natin kay Maria na ang tunay na pagsamba ay isang buhay na lubusang iniaalay bilang tugon sa Diyos na nag-alay ng sarili Niya “Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao...” (Filipos 2:6-7)
Ito’y sadyang napakamakapangyarihan at makahulugan: ang ating Diyos na inialay ang Kanyang sarili sa paghuhubad ng Kanyang pagiging kapantay ng Diyos upang isang maging tao, at bilang isang tao, nabuhay Siyang aba kasama natin sa maituturing na buhay na labis ang kahirapan.
Napakalaki ng inialay ni Jesus, ang ating Diyos, upang maipanganak sa ating piling.
Sa pagwawakas makikita natin ang pinakasakdal na patunay ng pagiging bukas-palad. Binigay Niya ang Kanyang sariling buhay bilang tao para sa ating lahat. Ito ang pinakamahal na regalo, ang pinakamahalagang pagbibigay na nagawa. Limang araw ang nakalipas, may samyo pa ng pabango sa Kanyang isip, pumaroon si Jesus sa krus. Ang ating Diyos na inialay na tulad ng napakamahal na pabango, inialay sa krus bilang isang handog, kalugud-lugod at banal nang mamatay Siya sa krus para sa ating lahat, sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Pagbalik ng nag-uumapaw na pagmamahal.
Habang papalapit na tayo sa pagtatapos ng ating paglalakbay nitong nakalipas na limang araw, hingin sa Diyos na Siya ay mangusap sa iyong puso patungkol sa nag-uumapaw na pagmamahal at pagiging bukas-palad na ating magkakasamang natunghayan. Pahintulutan ang nag-uumapaw na pagmamahal ni Maria na saklawin ang iyong pagsamba, tulad ng makapangyarihang pabango na ibinuhos. Mamahinga sa presensya ni Jesus nang may pagpapasalamat. Isiping mabuti ang iyong tugon.
Bumisita sa Tearfund.orgat alamin ang higit pa patungkol sa aming ginagawa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Alabaster Jar](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3548%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Isang buhay na inialay. Makikita natin ang isang halimbawa nito kay Maria na ibinuhos kay Jesus ang mamahaling pabango (Juan 12:1-8). Sa mga susunod na 5 araw, gawin natin ang ginawa ni Maria na pagbasag sa boteng alabastro, upang madaig tayo ng samyo ni Jesus.
More