Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Boteng Alabastro Halimbawa

The Alabaster Jar

ARAW 2 NG 5

Nakaupo sa Kanyang Paanan

Ano pa ba ang alam natin tungkol sa Maria na ito? 

Siya ay kapatid ni Marta at may kaunti tayong nadinig tungkol sa kanila sa Ebanghelyo ni Lucas. Sa Lucas 10:39-42, mababasa natin ang kuwento ng pagbisita ni Jesus sa Bethania, sa tahanan ng isang babaeng nagngangalang Marta. Malugod Siyang tinanggap sa tahanan nina Marta.

“Mayroon syang kapatid na babaeng nagngangalang Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa Kanyang itinuturo. Si Marta naman ay abalang-abala sa paghahanda; kaya’t nilapitan niya ang Panginoon at nagtanong, ‘Panginoon, bale-wala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako.’Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya.”  

Pinili ni Maria ang mas mabuting piraso o mas mabuting ‘bahagi’ ayon sa ibang salin. Bahagi, na maihahalintulad sa bahagi ng pagkain? Pinili ni Maria ang mas mabuting pagkain, ang nag-iisa, totoo at buhay na tinapay ng buhay, mas mabuti pa sa luto mo, Marta, at hindi ito aalisin sa kanya, paliwanag ni Jesus 

Sino ba itong Maria na ito? Hindi gawain ng isang babae ang basta na lang ‘umupo sa paanan’ ng Guro, dahil ang kahulugan noon ay inampon siya ng Guro bilang mag-aaral Niya. Sa simpleng paraan na ito, inangat ni Jesus si Maria sa estado ng kalalakihan at pinaalam sa kanya at sa buong nayon ang kanyang walang-katapusang halaga, dahil pinili Niya ito na maging mag-aaral Niya. 

Madaming pagdurusa sa mundo ang nanggagaling sa hindi pantay na turing sa pagitan ng lalaki at babae. Itong hindi pagkakapantay-pantay ay maaaring magdulot ng pagpatay sa mga babaeng sanggol, mga babaeng kabataan na hindi pumapasok sa paaralan, sapilitang pagpapakasal sa mga batang babae, pagkapinsala sa maselang parte ng katawan ng babae, at karahasang batay sa kasarian. Ngunit si Jesus, na ating Diyos, ay nag-imbita kay Maria, isang babae, upang maging estudyante Niya. 

Ipagdasal ang sinumang kilala natin na apektado ng mga suliraning ito at ipagdasal na matutunan nating lahat na parangalan ang bawat isa, dahil tayong lahat ay nilikha sa Kanyang wangis. Kung nais ninyong malaman ang ihigit pa patungkol sa trabaho ng Tearfund upang labanan ang karahasang batay sa kasarian, maaari ninyong basahin angKuwento ni Aminaat iba pang kuwento ng kababaihan, sa Tearfund.org.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

The Alabaster Jar

Isang buhay na inialay. Makikita natin ang isang halimbawa nito kay Maria na ibinuhos kay Jesus ang mamahaling pabango (Juan 12:1-8). Sa mga susunod na 5 araw, gawin natin ang ginawa ni Maria na pagbasag sa boteng alabastro, upang madaig tayo ng samyo ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.tearfund.org/yv