Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Boteng Alabastro Halimbawa

The Alabaster Jar

ARAW 4 NG 5

Ibinibigay ang Lahat

Anim na araw bago ang Pista ng Paskwa, at limang araw bago ipako sa krus, si Jesus ay pumunta sa Bethania, ang bayan ni Lazaro, na Kanyang muling binuhay. Isang hapunan ang inihanda roon para sa Kanya. Si Lazaro ay naroon at si Marta ang nagsilbi ng pagkain. Nang gabing iyon, nagdala si Maria ng mamahaling pabangong galing sa dalisay na nardo—marahil siya ring langis na ginamit niya kay Lazaro nang nakahimlay sa libingan. Walang pasubaling binasag ni Maria ang boteng alabastro. Wala siyang balak na magtira pa nito.

Agad humalimuyak ang malakas at kakaibang samyo sa kanyang ilong at siya ay nagpatirapa, na tulad noong siya ay umiiyak sa harap Jesus sa libingan ni Lazaro. Umupo siya sa paanan ng guro— kanyang guro—ang pumili at nagmahal sa kanya, na muling bumuhay kay Lazaro mula sa kamatayan. Mistulang propesiya ang ginawa ni Maria nang ibinuhos ang pabango dahil sa ikaanim na araw ay ililibing na si Jesus.

Marahan niyang tinanggal ang pagkakatali ng kanyang buhok.

Gawi ng mga kababaihang Judio ang itali at takpan ang kanilang buhok—ang tanging nakakakita ng kanyang buhok nang walang takip ay kanyang asawa. Sa ginawa niyang pagpunas ng paa ni Jesus gamit ang kanyang buhok, sinasabi niya sa lahat, na si Jesus ay animo’y aking asawa.

Banayad niyang pinunasan ang mga paa ni Jesus; na para bagang huminto ang oras, puno ng samyo ng pabango ang buong kabahayan, ibinigay ng babaeng ito ang lahat kay Jesus. Hindi lamang ang mamahaling pabango, marahil ang pinakamahalagang pag-aari ng kanilang buong pamilya, kundi pati ang sarili niya.

Lubusan niyang isinaid ang sarili.

Isang buhay na ibinuhos; inialay ang lahat.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Alabaster Jar

Isang buhay na inialay. Makikita natin ang isang halimbawa nito kay Maria na ibinuhos kay Jesus ang mamahaling pabango (Juan 12:1-8). Sa mga susunod na 5 araw, gawin natin ang ginawa ni Maria na pagbasag sa boteng alabastro, upang madaig tayo ng samyo ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.tearfund.org/yv