Ang Boteng Alabastro Halimbawa

Nangangamoy Na Po Siya
May nadinig muli tayo tungkol kay Maria sapagkat sila ni Marta ay nagpasabi kay Jesus na ang kapatid nilang si Lazaro ay may sakit. Ang kuwento ay nasa Juan 11:
“Pagdating ni Jesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro.…Nang mabalitaan ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa bahay.…Nag-usap sina Marta at Jesus. Pagkatapos, umuwi si Marta. Tinawag niya si Maria at binulungan,‘Naririto na ang Guro at ipinapatawag ka.’ Pagkarinig nito'y nagmadaling tumayo si Maria upang salubungin si Jesus.…Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, ‘Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.’Nahabag si Jesus at nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga Judiong kasama nito. ‘Saan ninyo siya inilibing?’ tanong ni Jesus.Sumagot sila, ‘Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.’…Tumangis si Jesus.”
Mahal ni Jesus si Maria.
Hindi natin lubusang malalaman ang tindi at sidhi ng damdamin sa tagpong ito; si Maria na hirap sa kanyang dalamhati, si Jesus na hirap sa nakikitang paghihinagpis ni Maria. Dito, naaaninag natin ang hirap ng kalooban ng ating Diyos dahil sa pagdurusa sa ating mundo at ang Kanyang pagpayag na samahan tayo sa ating dalamhati. Siya ang kasalukuyan at kailanmang kasama nating Diyos, sa lugar ng pinakamatinding pangangailangan. Ipagdasal ngayon ang pagdurusa ng ating mundo at magpasalamat sa Diyos dahil palagi Siyang kasama natin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang buhay na inialay. Makikita natin ang isang halimbawa nito kay Maria na ibinuhos kay Jesus ang mamahaling pabango (Juan 12:1-8). Sa mga susunod na 5 araw, gawin natin ang ginawa ni Maria na pagbasag sa boteng alabastro, upang madaig tayo ng samyo ni Jesus.
More