Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw na Pag-aayunoHalimbawa

21 Day Fast

ARAW 12 NG 21

Ang pagkain ay nagdudulot ng kaginhawahan sa marami. Pagnilayan kung gaanong ang iyong mga pananaw ay natatalo ng pananabik mo sa ilang mga pagkain, sa mga bagay na iniiwasan mo kapag nag-aayuno, o kaya'y ng pag-iiisip mo kung ilang timbang ang mababawas sa iyo. Madalas ba ito? Kung ito ay alkohol o ipinagbabawal na gamot, masasabi mo bang ikaw ay gumon kung ganito kalabis ang pagnanasa mo sa mga ito? Sa iba, marahil ang pag-aayunong ito ay magsisimula ng pagtuklas sa mga mapaminsalang bagay na idinudulot ng pagkain sa iyong buhay. Maaaring ipahayag nito ang pagkalulong. Manalangin upang ang Diyos na mahabagin at nagbibigay ng kaginhawahan ang maging pangunahing daluyan ng iyong kaluwagan. Hilingin sa Kanya na gamitin ang karanasang ito sa pagdurusa na alisin sa buhay mo ang pumapalit sa Espirito Santo upang maging tanging Tagapag-aliw mo.

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

21 Day Fast

Simulan ang bagong taon nang may pokus sa espiritwal na disiplina ng pag-aayuno. Kasama sa gabay na ito ang ilang mga sipi tungkol sa pag-aayuno at iba pa na nanghihikayat magnilay at mapalapit sa Diyos. Sa loob ng 21 araw, makatatanggap ka sa bawat araw ng isang babasahin mula sa Biblia, isang maigsing debosyonal, mga tanong para sa pagninilay, at isang pokus na panalangin. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang ww.finds.life.church.

More

We'd like to thank Life.Church for their generosity in providing the structure for the 21 Day Fast reading plan.