21 Araw na Pag-aayunoHalimbawa
Ang pamagat ng babasahin ngayon ay Ang Awit ng
Walang Takot na Pagtitiwala sa Diyos. Ito'y tungkol sa paghahanap sa isang bagay. Sa panahong ito, madaling hanapin ang mga bagay mula sa Diyos sa halip na hanapin ang Diyos--ang hanapin ang Kanyang kamay at hindi ang Kanyang mukha. Pag-aralan ang kaibahan ng paglapit sa hari upang humalik sa kanyang kamay at ang paglapit sa isang mapagmahal na ama upang humalik sa kanya. Ang Diyos ay ang ating Hari at Ama. Kaya Niyang tugunan at sagutin ang ating mga pangangailangan at mga panalangin. Subalit labis din ang pagmamahal Niya sa iyo higit sa alam mo. Kapag hinanap mo ang Kanyang mukha, mas mapapalapit ka sa Kanya. Manalangin ngayon upang mahanap ang mukha ng Diyos at mapalapit sa Kanya nang lubusan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Simulan ang bagong taon nang may pokus sa espiritwal na disiplina ng pag-aayuno. Kasama sa gabay na ito ang ilang mga sipi tungkol sa pag-aayuno at iba pa na nanghihikayat magnilay at mapalapit sa Diyos. Sa loob ng 21 araw, makatatanggap ka sa bawat araw ng isang babasahin mula sa Biblia, isang maigsing debosyonal, mga tanong para sa pagninilay, at isang pokus na panalangin. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang ww.finds.life.church.
More
We'd like to thank Life.Church for their generosity in providing the structure for the 21 Day Fast reading plan.