21 Araw na Pag-aayunoHalimbawa
Kahit gaano ka pa kalalim ngayon, lumusong ka pa nang mas malalim. Huwag kang mag-alala na ika'y mabasa. Huwag tumigil sa puntong nakakatayo pa ang iyong mga paa. Magpadala sa agos. Saan ka nakakapit? Anu-ano ang mga pumipigil sa iyong mas mamuhay ng isang buhay ng pananampalataya na ginagabayan ng Espiritu? Anong ilusyon ng kontrol ang iyong kinakapitan? Ibigay mo ang lahat-lahat. Manalangin ngayon na ang pag-aayunong ito ay maging simula ng isang mas malalim na relasyon kasama ang Diyos. Ipanalangin na patuloy ka Niyang tawagin upang lumusong at hayaan Siyang kontrolin nang buong-buo ang iyong buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Simulan ang bagong taon nang may pokus sa espiritwal na disiplina ng pag-aayuno. Kasama sa gabay na ito ang ilang mga sipi tungkol sa pag-aayuno at iba pa na nanghihikayat magnilay at mapalapit sa Diyos. Sa loob ng 21 araw, makatatanggap ka sa bawat araw ng isang babasahin mula sa Biblia, isang maigsing debosyonal, mga tanong para sa pagninilay, at isang pokus na panalangin. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang ww.finds.life.church.
More
We'd like to thank Life.Church for their generosity in providing the structure for the 21 Day Fast reading plan.