Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw na Pag-aayunoHalimbawa

21 Day Fast

ARAW 17 NG 21

Ito ay isa sa mga pinakanakamamanghang kwento sa Biblia. Tiyak na mauunawaan mo ang kalagayang kinaharap ng tatlong kalalakihang ito--kapag ang mga paktwal na kaganapan ay salungat sa katotohanan. Ang mga paktwal na kaganapan ay nilabag nila ang batas, ang kaparusahan ay kamatayan, si Nebucadnezar ang pinakamakapangyarihan tao sa buong mundo, na ang apoy ay lubos ang init para makapatay sa sinumang lumapit dito, na maraming mga bantay na magtutulak sa kanila papunta sa apoy, at kung hindi man sila yuyukod ay masusunog sila. Yun lang. Subalit ang katotohanan ay salungat sa mga paktwal na bagay na iyon, at ang katotohanan ay ang pinanghawakan ng tatlong lalaking iyon. Ang katotohanan ay kung hindi man sila iligtas ng kanilang Diyos ay kusang loob silang magpapakamatay para sa Kanya. Ang katotohanan ay kasama nilang naglakad sa apoy ang Anak ng Diyos. Anu-anong mga paktwal na kaganapan ang kinahaharap mo na sumasalungat sa katotohanan ng Diyos? Idulog ang mga kaganapang ito sa Diyos sa panalangin at manampalatayang ang Diyos ang sasama sa iyo sa apoy.

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

21 Day Fast

Simulan ang bagong taon nang may pokus sa espiritwal na disiplina ng pag-aayuno. Kasama sa gabay na ito ang ilang mga sipi tungkol sa pag-aayuno at iba pa na nanghihikayat magnilay at mapalapit sa Diyos. Sa loob ng 21 araw, makatatanggap ka sa bawat araw ng isang babasahin mula sa Biblia, isang maigsing debosyonal, mga tanong para sa pagninilay, at isang pokus na panalangin. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang ww.finds.life.church.

More

We'd like to thank Life.Church for their generosity in providing the structure for the 21 Day Fast reading plan.