Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church Halimbawa

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

ARAW 17 NG 19

Arawa 17

Nakagawa ka na ba ng pagkakamali at naisip mo na ito na ang katapusan mo? Na kahit anong gawin mo para makabawi, hindi na ito matutubos? Ngayon, sumisid tayo nang mas malalim sa buhay ni David. Ang taong, sa pamamagitan ng pananampalataya, ay naging dakilang hari ng Israel at nagtakda ng pamantayan para sa mga susunod na henerasyon. Bagaman karaniwang kilala bilang isang tao na ayon sa puso ng Diyos, nagkaroon siya ng panahon sa kanyang buhay na muntik nang sumira sa kanyang kapalaran at sa kanyang pagiging hari.

Sa 2 Samuel 11, nagnasa si David sa isang babaeng may asawa, si Bathsheba. Nang siya ay nagdalang-tao dahil kay David, ginamit niya ang kanyang posisyon para ipapatay ang asawa ni Bathsheba na si Urias. Tiyak na hindi angkop ang pag-uugaling iyon para sa isang hari! Sa ating limitadong pananaw sa realidad at hustisya, madali para sa atin na tingnan ang sitwasyong ito at malaman na malamang na sinira ni David ang kanyang kinabukasan at reputasyon. Hindi na gugustuhin pa ng Diyos na gamitin siya. Kung tutuusin, paano niya nalusutan ang paggawa ng mga karumal-dumal na gawain? Paano siya napatawad pagkatapos lumabag hindi lamang sa isa, kundi sa maraming batas? Gaano siya kataas ang tingin niya sa sarili niya upang isipin niya na siya ay higit pa sa batas?

Ang Diyos, gayunpaman, sa Kanyang mas malawak na pananaw, ay batid kung ano talaga ang kailangang mangyari.

Nakita ng Diyos ang potensyal na mayroon si David at alam niyang walang lugar ang kanyang mga pagkakamali sa pagtukoy kung sino siya o kung ano ang nakalaan para sa kanyang hinaharap. Alam Niya na ang pananampalatayang nakabatay sa gawa ay hindi maaaring tumubos kay David. Alam Niya na bagama't hindi makikita sa mga kilos ni David, mapagpakumbaba niyang pinagmamalasakitan ang kanyang bayan at handang gawin ang lahat para palakasin ang kaharian ng Diyos. Higit sa lahat, alam ng Diyos na Siya ay may mas malaking plano para sa isang Tagapagligtas na darating at tutubusin ang bawat paglabag ng mundo sa susunod na 28 henerasyon.

Dahil alam ng Diyos na ang nakaraan ni David ay hindi magiging marka sa kanyang buhay at sa mga susunod na henerasyon, inangkin din iyon ni David. Si David ay maaaring lumakad sa kahihiyan at pagkatalo mula sa kanyang mga aksyon, ngunit sa halip, siya ay tumakbo sa Ama, kinilala ang kanyang mapaghimagsik na espiritu, at nakiusap na ang kanyang mga kasalanan at kahihiyan ay hugasan upang siya'y maging malinis. Ang kailangan lang ay isang mapagpakumbabang espiritu at ganap na pagsuko ang isang sirang kalagayan ay gawing isang bagay na mas malaki pa kaysa sa inaakala ni David. Kahit na alam ni David na siya ay pinatawad, higit pa ang ginawa ng Diyos at pinahintulutang ang kadugo ni David na siyang ipanganganak na ating Tagapagligtas. Ang Diyos ay mapagbiyaya na magpatawad at tinutubos tayo kapag tayo ay bumabaling sa Kanya!

Hakbang ng Aksyon: Kung paanong dinala ni David ang kanyang kahihiyan sa paanan ng kanyang Ama, magagawa rin natin ito. Anong mga nakaraang kasalanan o pakikibaka ang nagbibigay pa rin sa iyo ng damdamin ng pagkahiya? Ipagdasal ang Mga Awit 51 para sa iyong sitwasyon at angkinin ang tagumpay ni Cristo sa lahat ng kasalanan sa iyong buhay!

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.

More

Nais naming pasalamatan ang New Life Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://newlifechurch.tv