Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church Halimbawa

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

ARAW 15 NG 19

Araw 15

Pinag-iisip tayo ng Pasko tungkol sa isang sanggol na ipinanganak sa sabsaban, ngunit ang pangangailangan para sa Pasko ay nagsimula nang mas maaga. Nagsimula ang Pasko sa isang Hardin kung saan ang isang ahas ay nagsinungaling, ang isang babae at isang lalaki ay kumain ng isang piraso ng prutas, at ang Diyos ay nangako.

Ngunit kung pag-iisipan natin ito nang mas malalim, makikita natin na ang kuwento ay babalik pa sa isang kosmikong labanan nang nilinlang ni Lucifer, ang anghel ng Langit, ang kanyang sarili sa pag-iisip na kahit papaano ay masasapawan niya ang Diyos sa karilagan. Tuluyan siyang pinalayas ng Diyos mula sa Langit para sa kanyang krimen, ngunit hindi ito ang wakas.

Sa Genesis 3, nagpatuloy ang labanan para sa kaluwalhatian. Itinanim ni Satanas ang parehong ideya sa isip ni Eva na sinira ang kanyang relasyon sa Diyos, “Magiging katulad ka Niya.” Nilinlang at ginulo niya ang ekosistema ng pagtitiwala na nilikha ng Diyos sa Halamanan sa Genesis 1 gamit ang isang simpleng tanong.: “Sinabi ba ng Diyos na mamamatay ka?” Pagkatapos ay dumating ang kasinungalingan: “Hindi ka tiyak na mamamatay. Kung kakain ka mula sa punong ito, ikaw ay magiging katulad ng Diyos.” Sinasabi niya, "Hindi mo kailangan ang Diyos. Maaari kang maging iyong sariling Diyos."

Kinain nila ang kasinungalingan.

Pagkatapos ay pumasok ang kasalanan. Nasira ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao, at isinumpa ng Diyos ang lahat ng kasangkot. Isinumpa muna Niya si Satanas, at bago pa man Niya namutawi ang kaparusahan para kina Adan at Eva mula sa Kanyang mga labi, isang pangako ng tagumpay laban sa ahas ang ipinatupad.

Nang sabihin ng Diyos na ang mga supling ng babae ay makikipagdigma sa mga supling ng diyablo, ipinahayag Niya, “Sasaktan niya ang iyong ulo at dudurugin mo ang kanyang sakong.” Ito ay mga salitang lumalaban. Ito ay isang pangako ng kamatayan. Ang nabugbog na sakong ay maliit na pinsala, ngunit ang isang suntok sa ulo ay isang kamatayan.

Marahas man, ito ang pangako ng Pasko. Si Cristo, ang ating tagumpay ay darating, at dudurugin Niya ang ulo ng kaaway.

Ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao na naputol sa Hardin ay magkakaroon ng binhi sa isang sabsaban, dudurugin ang lupa sa isang magaspang na krus, at masiglang mamumulaklak sa isang walang lamang libingan.

Bagama't ang Pasko ay maaaring maging panahon kung saan ipinapaalala sa atin ang ating pagkawasak at ang hirap sa pagkakaroon ng relasyon sa ating mundo, ang Adbiyento ay ang perpektong oras para alalahanin kung anong ginawa ng Diyos para ayusin ang relasyon Niya sa atin. Naparito si Jesus sa lupa upang tuparin ang pangako ng Diyos at ibalik ang ninakaw ng diyablo.

Hakbang ng Pagkilos: Habang iniisip mo ang pagiging maawain ng ating Diyos ngayong Pasko, mayroon bang relasyon sa iyong buhay na nangangailangan ng pagkakasundo at pagpapatawad?

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.

More

Nais naming pasalamatan ang New Life Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://newlifechurch.tv