Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kaaway ng PusoHalimbawa

Enemies Of The Heart

ARAW 4 NG 5

Mga Kaaway ng Puso

Debosyonal Araw 4

“Mag-ingat Laban sa Kasakiman”

Banal na Kasulatan: Lucas 12:13-21

Ang pangatlong kaaway ng puso? Kasakiman. Ito'y pag nararamdaman nating nararapat sa atin ang parami nang parami pang mga panlupang kayamanan at ari-arian. Sabi ng Kasakiman, “May utang ako sa sarili ko.”

Sabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman” Bakit? Dahil sa apat na kondisyon ng pusong ating tinitingnan, ang kasakiman ang pinakamapaglalang sa lahat. Ang kasakiman ay maaaring manahan sa puso ng ilang taon nang hindi natin namamalayan. Ang pusong hindi nababantayan ay madaling kapitan ng nakakapanghinang sakit na ito. Mahirap itong matukoy—lalo na ng sa sarili.

Sa pagpapatuloy isiniwalat ni Jesus ang kasinungalingang pinagmumulan ng lahat ng kasakiman: “sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Ngunit hindi ba iyan nalalaman na ng lahat? Naniniwala ba talaga ang mga tao na ang buhay nila ay katumbas lang ng mga pagmamay-ari nila? Ang sagot ay hindi at oo. Hindi, hindi lahat ay nakakaalam niyan. At oo, may mga taong naniniwala na ang buhay mo ay katumbas lang ng kabuuan ng iyong minamay-ari. At marami sa ating mas may inklinasyong paniwalaan ito kaysa ating naiisip.

Pagkatapos ikuwento ang talinhaga, ibinigay ni Jesus ang depinisyon ng isang sakim na tao: sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos. Ang pagiging “mayaman sa Diyos” ay ang depinisyon ni Jesus sa pagiging bukas-palad sa mga nangangailangan. Ang isang sakim na tao ay ang lalaki o babae na maingat sa pag-iipon ngunit kakaunti kung magbigay.

Ang bukas-palad na pagbibigay ang babali sa pagkakahawak ng kasakiman sa iyong buhay. Kaya't inaakala mo man o hindi na may labis ka, magbigay at magbigay nang bukas-palad. Kailangan mong magbigay hangga't umabot sa puntong kakailanganin mong baguhin ang iyong kagawian sa pamumuhay. Kung hindi ka handang magbigay hanggang sa puntong maaapektuhan ang iyong kagawian sa pamumuhay, sa pamantayan ni Jesus, sakim ka. Kung ikaw ay gumagastos hanggang sa puntong kakaunti o halos wala ka nang maibigay, sakim ka.

Alam ko mabagsik pakinggan. Sa totoo lang, nakakasakit.

Ngunit totoo.

Baliin ang kapangyarihan ng kasakiman sa pamamagitan ng pag-uugaling bukas-palad na pagbibigay. Ito'y isang pag-uugaling nagbabago ng lahat.

Sukatin ang iyong pagiging bukas-palad nitong nakakalipas na labindalawang buwan. Ano ang makikita patungkol sa iyong puso ng iyong pagbibigay sa kawanggawa? Ipanalangin kung ano kaya ang mangyayari kung gawin mong itaas ang antas ng iyong pagiging bukas-palad sa susunod na labindalawang buwan.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Enemies Of The Heart

Tulad ng pusong hindi malusog na nakakasira sa iyong katawan, ang isang pusong hindi malusog sa emosyonal at espirituwal na aspeto ay makakasira sa iyong mga relasyon. Sa sunod na limang araw, hayaan si Andy Stanley na tulungan kang tumingin paloob sa iyong sarili sa apat na karaniwang mga kaaway ng puso — damdaming pagtuligsa sa sarili, galit, kasakiman, at inggit—at turuan ka kung paano alisin ang mga ito.

More

Nais naming pasalamatan si Andy Stanley sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: bit.ly/2gNB92i