Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kaaway ng PusoHalimbawa

Enemies Of The Heart

ARAW 3 NG 5

Andy Stanley: Mga Kaaway ng Puso

Debosyonal Araw 3

“Pagbibitaw sa Hinanakit at Galit”

Banal na Kasulatan: Mga Taga-Efeso 4:25-32

Ang pangalawang kaaway ng puso ay galit. Nagagalit tayo kapag hindi natin nakukuha ang gusto natin.

Ipakita mo sa akin ang isang galit na tao at ipapakita ko sa iyo ang isang naghihinanakit na tao. At ginagarantiya ko sa iyo na naghihinanakit ang tao na iyan dahil may kinuha sa kanya. May pagkakautang sa kanya ang iba.

Lahat tayo ay may kakilalang may ganitong masasabi: “Inalis mo sa akin ang reputasyon ko.” “Ninakaw mo ang pamilya ko.” “Kinuha mo sa akin ang pinakamagagandang taon ng buhay ko.” “Ninakaw mo ang una kong asawa.” “Ninakaw mo sa akin ang aking kabataan.” “Ninakaw mo sa akin ang aking pagka-inosente.” “Utang mo sa aking itaas ang sweldo ko.” “Utang mo sa aking bigyan ako ng pagkakataong subukan.” “Utang mo sa akin ang pangalawang pagkakataon.” “Utang mo sa aking mahalin ako.”

Ang ugat ng galit ay ang pag-aakalang may nakuha sa iyo. May pagkakautang sa iyo. At ang isang relasyon na may utang sa-kinauutangan ang naisasaisip.

Ikaw naman? Anong pagkakautang ang nagsasanhi ng galit na nararamdaman mo?

Hanggang kailan mo pahihintulutan ang mga taong nakasakit sa iyo na kontrolin ang buhay mo? Isang buwan pa? Isang taon pa? Isang yugto pa ng buhay mo? Gaano katagal?

Nais kong imungkahi na ito na ang araw na dapat mong bitawan ang hinanakit mo!

Bagama't totoong hindi na maaaring bawiin ang nagawa sa iyo, totoo rin namang hindi mo kailangang ibigay sa nakaraan ang kontrol sa iyong kinabukasan. Sa Mga Taga-Efeso 4, inuutusan tayong ”Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit." Ginagawa natin ito sa kaparaanang "magpatawad...sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo."

Ang lunas sa galit ay pagpapatawad. Kung pagmamatigasan nating antayin na mapagbayaran ang mga kasalanang nagawa sa atin, tayo ang magbabayad. Kung, sa kabilang banda, kakanselahin natin ang mga pagkakautang sa atin, tayo ay mapapalaya.

Sa apat na malahalimaw na puwersang tinatalakay natin sa mga debosyonal na ito, naniniwala akong ito—hindi-naresolbang galit na nagmumula sa sinasadya at 'di-sinasadyang pagsakit—ang pinakamapaminsala. Ngunit sa ilang aspeto pinakamadaling mapagtagumpayan. Kailangan mo lang pagpasyahang kanselahin ang pagkakautang. Pagpasyahan at ideklara mong, “Wala ka nang utang sa akin.”

Sundin ngayong araw na ito ang apat na hakbang sa prosesong ito: (1) Tukuyin ang mga taong may galit ka. (2) Tukuyin kung ano ang kanilang pagkakautang sa iyo. (3) Kanselahin ang kanilang pagkakautang sa iyo. (4) Huwag hayaang mabuo muli ang galit.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Enemies Of The Heart

Tulad ng pusong hindi malusog na nakakasira sa iyong katawan, ang isang pusong hindi malusog sa emosyonal at espirituwal na aspeto ay makakasira sa iyong mga relasyon. Sa sunod na limang araw, hayaan si Andy Stanley na tulungan kang tumingin paloob sa iyong sarili sa apat na karaniwang mga kaaway ng puso — damdaming pagtuligsa sa sarili, galit, kasakiman, at inggit—at turuan ka kung paano alisin ang mga ito.

More

Nais naming pasalamatan si Andy Stanley sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: bit.ly/2gNB92i