Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kaaway ng PusoHalimbawa

Enemies Of The Heart

ARAW 2 NG 5

Andy Stanley: Mga Kaaway ng Puso

Debosyonal Araw 2

“Paghahayag”

Banal na Kasulatan: 1 Juan 1:5-10

Ang unang kaaway ng puso ay ang damdaming pagtuligsa sa sarili. Ang damdaming pagtuligsa sa sarili ay resulta ng paggawa ng isang bagay na kinikilala nating mali. Ang mensahe mula sa isang pusong puno ng damdaming pagtuligsa sa sarili ay, “May utang ako!”

Isipin na lang ang isang lalaking sumama sa ibang babae at inabandona ang kanyang pamilya. Hindi niya napagtanto noong puntong iyon, ngunit pinagnakawan niya ang bawat miyembro ng kanyang pamilya. Pinagnakawan niya ang kanyang asawa ng kanyang kinabukasan, kanyang pinansiyal na seguridad, at kanyang reputasyon bilang asawa. Sa perspektibo ng kanyang mga anak, ninakaw ng lalaking ito ang kanilang Pasko, mga tradisyon, emosyonal at pinansiyal na seguridad, mga hapunang kasama ng pamilya, at iba pa.

Noong una, hindi naiisip ng lalaking ito ang kanyang kinuha. Noong una, ang naiisip niya ay kung ano ang magandang napala niya. Ngunit sa unang pagkakataong maitanong sa kanya ng kanyang paslit na babae kung bakit hindi na niya mahal si Mama, maaantig ang kanyang puso. May pagtuligsa sa sarili siyang mararamdaman. May utang si Papa.

Tanging ang pagbabayad ng pagkakautang na iyan ang makakapawi ng pasan niyang damdaming pagtuligsa sa sarili. Sa layuning maalis ang damdaming ito, ang ginagawa ng iba ay ang ibuhos ang sarili sa pagtatrabaho, paglilingkod, pagbibigay, at pati sa pagdarasal. Ngunit kahit na anong mabubuting gawa, paglilingkod sa komunidad, pagbibigay sa kawanggawa, o pagsisimba pag Linggo ay hindi makakaalis ng damdaming pagtuligsa sa sarili. Ito ay utang. At ito ay dapat bayaran o kanselahin upang maranasan ng isang pusong may damdaming pagtuligsa sa sarili ang ginhawa.

Paano makakansela ang iyong damdaming pagtuligsa sa sarili? Ang kasagutan ay nasa isa sa pinakaunang bersikulong aking nasaulo noong ako'y bata pa: 1 Juan 1:9. “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid ” (RTPV05).

Ang paghahayag ng ating kasalanan ay may kapangyarihang putulin ang pagpapaulit-ulit ng kasalanan. At tulad ng mga remedyong pang-medikal, gumagana ito kapag ginamit nang tama. Ang tamang paggamit ay nangyayari kapag ipinahayag natin ang ating mga kasalanan, hindi lang sa Diyos, kundi pati sa mga taong nagkasala tayo.

Ang mga taong may damdaming pagtuligsa sa sarili ay kadalasang umuulit sa pagkakasala. At hangga't may dala-dala kang lihim, hangga't sinusubukan mong guminhawa ang iyon konsensiya sa pamamagitan ng pagsasabi sa Diyos ng kung gaano ka nagsisisi, ang ginagawa mo ay mauuwi sa pag-uulit ng nakaraan. Ngunit, kung sisimulan mo ang paghahayag ng iyong mga kasalanan sa mga taong nagkasala ka, malamang sa hindi na hindi mo na uulitin ang mga kasalanang iyon.

Magpahayag kapwa sa Diyos at sa iba, at mapapatay mo ang kaaway na ito ng iyong puso.

Sa anong bagay ka may damdaming pagtuligsa sa sarili? Ipahayag ang iyong kasalanan sa Diyos at sa sinumang nasaktan mo. Gawin itong araw na ito.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Enemies Of The Heart

Tulad ng pusong hindi malusog na nakakasira sa iyong katawan, ang isang pusong hindi malusog sa emosyonal at espirituwal na aspeto ay makakasira sa iyong mga relasyon. Sa sunod na limang araw, hayaan si Andy Stanley na tulungan kang tumingin paloob sa iyong sarili sa apat na karaniwang mga kaaway ng puso — damdaming pagtuligsa sa sarili, galit, kasakiman, at inggit—at turuan ka kung paano alisin ang mga ito.

More

Nais naming pasalamatan si Andy Stanley sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: bit.ly/2gNB92i