Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)Halimbawa
Ang tunay na katapatan
Ang salitang "magbitiw" ay hupestello na ang ibig sabihin ay umatras. Si Abraham ay isang halimbawa ng isang taong hindi umatras sa kanyang pananampalataya, kahit na napaharap siya sa malalaking hamon. Kailangan niyang dumaan sa mga sunod sunod na pagsubok sa buhay. Naghintay si Abraham sa pagsilang ng kanyang anak ng siya ay matanda na at ang kanyang asawa ay hindi na pwedeng magbuntis. Dapat niyang ialay ang kanyang kaisa-isang anak bilang handog na sinusunog. Hindi narating ni Abraham ang lupain ng pangako hanggang sa kanyang kamatayan. Kahit na natatanaw lamang niya ang lupain mula sa malayo, hindi niya ninais na bumalik sa Ur-Chaldean (Hebreo 11:13-16). Ang pananampalataya ni Abraham ay hindi lamang nasubok ng isang beses nang kinailangan niyang ialay ang kanyang anak. Sa buong buhay niya, kinailangang maranasan ni Abraham ang pagsubok sa pananampalataya ngunit siya’y napatunayang tapat.
Ang katapatan ni Abraham ay isang tunay na katapatan batay sa pananampalataya. Ang tunay na katapatan ay hindi sa udyok ng pisikal na mga pagpapala. Sa ngayon, iniisip pa rin ng marami na karapat-dapat sila sa pagpapala ng Diyos kapag sila ay tapat. Sila ay nadidismaya at nagagalit kapag hindi sila pinagpapala ng Diyos bilang kapalit ng kanilang katapatan. Sila ay magbibitiw at titigil sa pagiging tapat dahil ang pagpapala sa katapatan ang kanilang motibo sa pagsunod sa Diyos. Ito ay isang malungkot na bagay.
Hindi natin masusuhulan ang Diyos ng ating katapatan. Ginagamit ng Diyos ang lahat ng pangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay upang mabuo at subukan ang ating katapatan sa Kanya. Ang proseso ng pagbuo at pagsubok ay magpapatuloy hanggang sa tawagin tayo ng Panginoon sa Kanyang tahanan. Madali para sa Kanya na pagpalain tayo. Gayunpaman, ang higit na pinapahalagahan Niya ay kung paano tayo lalago sa ating katapatan sa Kanya.
Kaya naman, huwag tayong aatras kapag nahihirapan na tayo sa ating buhay. Huwag umatras sa landas ng pamumuhay kasama ang Diyos gaano man kahirap ang landas na dapat nating tahakin. Huwag tayong umasa na magiging mas mabuti ang mortal na mundong ito. Mawawala ang mundo. At kapag nangyari iyon, ang ating katapatan ang mahalaga.
Pagninilay:
1. Ano ang motibasyon ng iyong katapatan sa Panginoon?
2. Paano ka mananatiling tapat sa Diyos sa ilalim ng di-kanais-nais na mga kalagayan?
Application:
Kapag ang mga bagay ay masama, matutong manatiling tapat.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagtitiyaga ay ang susi upang ang ating pananampalatayang Kristiyano ay hindi mag-alinlangan sa gitna ng mahihirap na sitwasyon. Sasanayin din ng pagtitiyaga ang kakayahan ng ating pananampalataya at puso na maging handa sa pagtanggap ng mga himala ng Diyos. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad kasama ni Hesus", matututo tayong maging mga mananampalataya na laging nagtitiyaga sa anumang sitwasyon sa kapangyarihan ng mga salita ng Diyos.
More
http://www.bcs.org.sg