Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)Halimbawa

Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)

ARAW 4 NG 7

Ang iniksyon ng doktor

Walang gustong magpa-iniksyon sa doktor, direkta man o hindi direkta, kagaya ng paglalagay ng suwero sa ugat natin. Agad tayong kinikilabutan kapag makikita natin ang matalim na dulo ng isang maliit na karayom. Karaniwang umiiyak ang mga maliliit na bata kapag nakatanggap sila ng bakuna. Tinitiis ng mga matatanda ang iniksyon, ngunit walang sinuman ang may nais talagang dumanas ng iniksyon.

Madalas gusto nating takasan ang sakit sa buhay sa mga mahihirap na oras. Ang natural nating reaksyon ay tumakas dahil masakit ang mga panahong iyon. Di-namamalayan, iniisip natin na mas mabuti kung hindi natin mararanasan ang sakit. Gayunpaman, kung paanong ang sakit ng pag-iniksyon ng doktor ay kinakailangan para sa isang taong may sakit upang matanggap ang kanyang kagalingan, alam ng ating Ama sa Langit na kailangan natin maranasan ang sakit para sa ating espirituwal na kalusugan at paglago. Ito ay hindi madali at hindi nakakatuwa sa lahat, ngunit iyon ang paraan upang maging malusog muli.

Kung pinahihintulutan ng Diyos ang isang masakit na karanasan sa ating buhay, hindi natin dapat husgahan kaagad na ang lahat ng ito ay masama dahil nasasaktan tayo. Ang mga bagay na nakakasakit ay hindi naman masama para sa atin. Ang kabaligtaran ay totoo. Ang magagandang bagay ay hindi palaging mabuti para sa atin. Isinulat ito ni Santiago sa mga taong dumaranas ng mahihirap na panahon. Bilang mga taong bata pa sa pananampalataya, maaaring nahihirapan sila sa ilang mga mithiin. Inisip nila na dahil sinunod nila ang Diyos, magiging madali ang kanilang buhay dahil sa kanilang pananampalataya.

Ang isang katawan na hindi pa nakaranas ng hamon ng sakit ay magiging mahina. Ang ating espirituwal na buhay ay lalakas sa panahon ng pakikibaka. Ang kasabihang "walang sakit, walang pakinabang" ay may espirituwal na kahulugan kapag ito ay nasa anyo ng mga pagsubok na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari sa ating buhay. Hindi natin mauunawaan kung ano ang pakiramdam ng umasa sa Kanya hangga't hindi natin nararanasan ang panahon na wala kang pwedeng sandigan o maaasahan.

Pagninilay:

1. Nais mo na bang tumakas kapag ikaw ay nahihirapan?

2. Ano ang nabubuo sa iyo kapag dumadaan ka sa iba't ibang pagsubok?

Aplikasyon:

Kahit na hindi mo gusto ang sakit sa oras ng kahirapan, unawain na ang Diyos ay may layunin sa lahat ng ito. Sikaping maging mas malakas at mas matalino sa bawat sandali na pinahihintulutan ng Diyos na iyong pagdaanan.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)

Ang pagtitiyaga ay ang susi upang ang ating pananampalatayang Kristiyano ay hindi mag-alinlangan sa gitna ng mahihirap na sitwasyon. Sasanayin din ng pagtitiyaga ang kakayahan ng ating pananampalataya at puso na maging handa sa pagtanggap ng mga himala ng Diyos. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad kasama ni Hesus", matututo tayong maging mga mananampalataya na laging nagtitiyaga sa anumang sitwasyon sa kapangyarihan ng mga salita ng Diyos.

More

http://www.bcs.org.sg