Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)Halimbawa

Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)

ARAW 5 NG 7

Bakit?

Bilang isang bata, halos lahat tayo sa isang yugto ng ating buhay ay patuloy na tinatanong, "Bakit?" Kahit anong sagot natin sa kanila, itatanong ulit ng mga bata, "Bakit?" Pagkatapos ay sasagot ang mga bata ng, "Ah, ganun ba" na walang ekspresyon, kahit na sinubukan nating maging matiyaga sa pagbibigay ng mga sagot na maaari nilang maunawaan.

Karaniwan na ang mga anak ng Diyos ay umaasal din sa parehong paraan. Natatanong tayo, "bakit?" tulad ng mga bata kapag tayo ay malungkot o nakakaranas ng mahihirap na sitwasyon sa ating buhay. Iniisip natin na kung alam natin ang dahilan, makokontrol natin ang ating sitwasyon. Sa madaling salita, iniisip natin na kung alam natin ang layunin ng Diyos sa isang pangyayari, madali tayong makakalagpas dahil alam natin na ang nararanasan nating sakit ay may mabuting layunin.

Talagang hindi natin makikita ang layunin ng Diyos sa problema kapag tayo ay nasa gitna ng paghihirap na iyon. Inaasahan Niya na magtitiyaga tayo sa mahirap na kalagayan nang may pananampalataya kahit hindi pa Niya ipinahahayag sa atin ang Kanyang layunin. Huwag magtiwala sa ating pang-unawa sa sitwasyong iyon. Ang talata sa itaas ay nagbibigay ng katiyakan sa atin na ang lahat ay nangyayari para sa isang layunin. Anuman ang partikular na layunin nito sa bawat isa sa atin, ang pangkalahatang layunin ay iisa lamang: upang turuan tayo, ihanda tayo, at sanayin tayo upang mamuhay ng matagumpay sa buhay ng pananampalataya.

Dapat nating tandaan na ang ating pag-aaral sa buhay upang maging perpekto katulad ni Kristo ay hindi titigil sa buong buhay natin. Magpapatuloy tayo sa pakikibaka mula sa isang kahirapan patungo sa isa pang kahirapan hanggang sa makabalik tayo sa bahay ng ating Ama sa langit. Huwag umasa na maging masaya at magbakasyon sa kahirapan habang tayo ay narito pa sa mundong ito.

Alalahanin natin ang katotohanan ng talata sa Bibliya sa itaas mula sa aklat ni Santiago sa tuwing maiisip nating magtanong, "Bakit?" Ito ay bahagi ng plano ng Diyos upang maging maygulang tayo. Hindi natin malalaman kung bakit, ngunit maaari tayong magtiwala na ito ay bahagi ng Kanyang kurikulum sa ating paglalakbay sa pananampalataya.

Pagninilay:

1. Kumuha ng halimbawa kapag nagtanong ka ng "Bakit?" sa isang pakikibaka. Kailan mo naunawaan ang layunin ng Diyos sa pamamagitan ng pangyayaring ito?

2. Ano ang iyong saloobin pagkatapos mong maunawaan ang layunin ng Diyos sa pangyayaring iyong naranasan?

Aplikasyon:

Tandaan na hindi ka pababayaan ng Diyos kapag ikaw ay nasa isang pakikibaka. Magpasalamat na ang Kanyang presensya at pag-aalaga sa iyo ay hindi nakabatay sa damdamin kundi sa Kanyang katapatan na tuparin ang Kanyang mga pangako sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Paglakad Kasama Ni Hesus (Tiyaga)

Ang pagtitiyaga ay ang susi upang ang ating pananampalatayang Kristiyano ay hindi mag-alinlangan sa gitna ng mahihirap na sitwasyon. Sasanayin din ng pagtitiyaga ang kakayahan ng ating pananampalataya at puso na maging handa sa pagtanggap ng mga himala ng Diyos. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad kasama ni Hesus", matututo tayong maging mga mananampalataya na laging nagtitiyaga sa anumang sitwasyon sa kapangyarihan ng mga salita ng Diyos.

More

http://www.bcs.org.sg