Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-aaral ng Espirituwal na DisiplinaHalimbawa

Learning Spiritual Discipline

ARAW 4 NG 4

ANG ESPIRITUWAL NA DISIPLINA NG PAGSAMBA SA DIYOS

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos para sa kung sino Siya at para sa lahat na ginawa Niya para sa iyo. Hilingin sa Kanya na tulungan kang matutong sumamba sa Kanya sa bawat bahagi ng iyong buhay.

PAGSASAGAWA
Magkolekta ang lahat ng ilang pangkaraniwang bagay na ginagamit sa araw, tulad ng isang cellphone, isang panulat, isang pitaka o isang damit. Ilagay ang mga bagay sa isang table at i-taas isa-isa. Bilang isang pamilya, subukang mag-isip ng mga paraan na ang bawat bagay ay maaaring magamit upang luwalhatiin (sambahin) ang Diyos. Magsalitan sa pagbigay ng mga suhestiyon.

PALALIMIN PA
Ang mga tao ay madalas na iniisip ang pagsamba bilang pagkanta ng mga awitin sa panahon ng mga serbisyo sa iglesia, ngunit higit pa ito. Ang ibig sabihin ng pagsamba ay upang dalhin o bigyan ang kaluwalhatian ng Diyos. Maraming iba't ibang paraan na maaari nating sambahin ang Diyos. Maaari mo ring sambahin ang Diyos sa iyong isip sa pamamagitan ng hindi pag-iisip ng masama o makasalanang mga saloobin (Filipos 4: 8). Kapag nagbigbigay ka nang bukas-palad, nagsasalita ng mga salita ng pampatibay-loob at pinaglilingkuran ang iba, sumasamba ka rin sa Diyos. At, siyempre, ang pagpuri sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin at awit ay isang mahusay na paraan upang sumamba. Nais ng Diyos na sambahin mo Siya sa bawat bahagi ng iyong buhay.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Ano ang isa sa iyong mga paboritong kanta sa pagsamba?
- Ano ang iba pang mga paraan na maaari mong sambahin ang Diyos?
- Ano ang isang paraan ng pagsamba na gagawin mo ngayong linggo?

Banal na Kasulatan

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Learning Spiritual Discipline

Sa gabay na ito, matutuklasan mo at ng iyong mga anak ang apat na espirituwal na disiplina: pag-aayuno, pagbubulay- bulay, pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at pagsamba. Mahihikayat kang magkaroon ng tapat na mga pag-uusap tungkol sa mga hamon ng pagsasanay sa mga disiplina na ito, at sa pamamagitan ng mga nakaeengganyo, nakapagpapaisip na mga gawain, magsisimula kang tingnan ang mga ito bilang mga pribilehiyo kaysa bilang mga gawain. Kasama sa bawat araw ang isang paalala para sa panalangin, maikling pagbabasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag, aktuwal na aktibidad, at mga tanong para sa pagtatalakay.

More

We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com